CHAPTER 06 [Finding Erik]

1.3K 150 54
                                    

CHAPTER 06
(Finding Erik)

Dear diary,
Yari ako nito kay Maxximo kapag nalaman nyang nawala ko si baby Erik. Puro trouble na lang palagi kong binibigay sa kanya huhuhu sorry na.

PS; Di naman kasi kagad ako naorient na may paggala silang dalawa nung bata huhu.

-Yuriko

***

YURIKO.

Nung nasa byahe na kami at nakarating na rin sa bahay ay nag-cr muna ako dahil punong puno na yung napkin ko este ihing-ihi na ako. Iniwan ko muna kay Ross si baby Erik para sya muna ang mag-asikaso.

[ross screaming]

AAAAAAAAAAAHHHHHH!!!”

Nagulat ako sa pagsigaw nya hala anong ibig sabihin non? Ano nangyayari?

Dali-dali akong lumabas sa banyo at nakita ko syang nakatulala sa harapan ni baby Erik.

“Ross bakit anong nangyari?” aligagang pagtanong ko sa kanya.

Tinignan nya ko ng may halong pagtataka sabay nagsalita na ito na maski ako ay kinagulat ko.

“Max” mahinang tawag nya sa pangalan ko.

Bakit?” lumunok muna ito ng laway bago sya magsalita.

Maling bata yung nakuha mo”

ANO?!”

“L*NTEK NAMAN MAX YARI TAYO KAY ATE MARRA NITO! AYUN NA NGA NA LANG MAITUTULONG MO SA KANYA TAPOS WINALA MO PA ANAK NYA!” natatarantang sabi sa’kin ni Ross.

“Ross hanapin natin dali kailangan natin mahanap si baby Erik yari talaga ako nito

“Hindi lang ikaw kundi ako din bwisit ka talaga!”

Dali-dali namin kinuha mga gamit namin at lumabas na kami sa may apartment. Nung palabas na kami ay biglang napahinto si Ross sa pagtakbo namin.

“Nasan na yung baby?”

“Hala naiwan ko sa taas!”

“MAXXIMO!!!” inis na pasigaw ni Ross sa'kin.

Tarantang-taranta na rin ako kaya nakalimutan kong kunin yung bata at naiwan ko pa sa may apartment, kinuha ko na kagad ito at byumahe na kami ni Ross.

“Patay tayo nito patay tayo nito” paulit-ulit na binabanggit ni Ross.

“Think positive Ross” pagcheer-up ko sa kanya.

“Max sinasabi ko na sa’yo papatayin muna kita bago ako mapatay ni ate Marra”

“Magdasal tayo dali magdasal tayo” hinawakan ko naman yung dalwang kamay nito at pumikit ako.

“Lord sana po ay mahanap ko po ang tunay na mamahalin ko at sana itong tao na ‘to na hawak ko ang kanyang kamay ay ang makatuluyan ko—”

“ARAY!” hindi ko natapos yung pagdadasal dahil bigla nya kong binatukan.

“Puro ka kalandian!” asar na sabi nito sa’kin.

SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon