Chapter 4

307 31 1
                                    

Coleen's PoV

"Ate Sela saan po pumunta si Ate Abby?" Tanong ko kay Ate Sela na busy mag-apply facial mask.

"May binisita lang na kaibigan. Hindi ko alam kung anong oras uuwi kasi di naman nagrereply saakin."

Tumango nalang ako at pumunta sa front garden para makaupo sa kubo.

"Anong oras kaya dadating si Ate Abby? Sabi niya magbobonding kami ngayong gabi." Bulong ko sa sarili ko at tiningnan ang relo.

It's already 10pm pero wala pa siya.

Napatalon ako sa kinauupuan ko nung biglang may kumalabog sa gate. Nagdadalawang-isip ako na pumunta sa gate pero may narinig ako na pamilyar na boses kaya nagmadali ako.

"ATE ABBY! OKAY KA LANG?!" Tinapik tapik ko siya saka chineck just in case she's hurt.

Nagthumbs-up lang siya. Jusko Ate Abby amoy alak ka.

"MANANG PATAWAG KAY ATE SELA!" Agad naman na sinunod ni manang utos ko at lumabas si Ate Sela. Agad na lumapit si Ate Sela at minasdan rin si Ate Abby kung may mga sugat siya.

"ABELAINE TRINIDAD BAKIT AMOY ALAK KA?!  NAGBAR KA BA? BAKIT KA PUMUNTA DOON? AKALA KO BA KAKAUSAPIN MO LANG SI COLE?!" Sermon ni Ate Sela habang inaakay namin paloob si Ate Abby.

Linapag namin siya sa sofa at hinintay na matinong umupo.

"Ano Abelaine? Saan ka galing at bakit amoy alak ka?" Inis na tanong ni Ate Sela habang nakacross ang arms niya.

"Galing ako kay Cole. Nag-usap lang naman kami tapos naparami ang alak kasi ang daldal ni tsong Cole." Lasing na sagot niya habang kinukusot ang mata.

"Bakit ka pa nagmaneho pauwi na lasing?! Good Lord Abelaine baka maaksidente ka!" Sermon ulit ni Ate Sela at halatang nagulat si Ate Abby dahil sa paiyak na ito.

"Sela baby sorry naaaa. Wala naman kasi saakin makakahatid pauwi. Lasing si Cole kaya mas delikado tapos wala si Laney dun. Ayoko naman na mabother ka na sunduin ako kasi pagod ka dahil sa pag-asikaso ng invitations." Suyo ni Ate Abby habang nag aattempt ihug si Ate Sela.

"Wag mo ako yakapin ngayon Abelaine. Amoy alak ka. Huwag ka pumasok sa kwarto na hindi pa naliligo." Pagsusungit ni Ate Sela at dumiretso sa kwarto nila.

"Hala ka Ate Abby. Pinaiyak mo si baby mo." Pang-aasar ko.

Wala eh gusto ko asarin si Ate Abby ngayon na lasing siya. Pumunta muna siya sa kusina at bumalik na may dalang ice cream saka umupo sa may sala.

"Kinausap ko lang naman si Cole ah. Di ko naman alam na magiging madaldal siya pag lasing." Paawang sabi niya habang lumalamon ng ice cream.

Kaya talaga masayang asarin si Ate Abby pag lasing kasi parang bata umasta.

"Oh maligo ka na para masuyo mo misis mo. Akin na yan na ice cream baka mas pagalitan ka ni Ate Sela sige ka." Panakot ko kay Ate Abby habang unti-unting inaalis ang ice cream sa mga kamay niya.

"Wag mo ubusin ice cream ko ah. Kakain pa kami ni Sela niyan." Sabi niya at nagpout saakin.

"Oo di ko uubusin. Dali na maligo ka na. Manonood nalang ako movie dito." Natatawang sagot ko.

Tumango siya at sinimulan maglakad ng paunti-unti. Nag-offer ako tulungan siya pero ayaw niya kasi big girl na daw siya kaya naman daw niya. Sinabihan ko nalang si manang na bantayan si Ate Abby baka matumba pa ang tigas pa naman ng ulo.

"Ano kaya gawin ko bukas? Available kaya sila Amy? Kaso tinatamad ako lumabas ng bahay." Pagtalo ko sa sarili ko.

Paunti-unting linalamon na ako ng antok kaya hinayaan ko na to.

Gabb's PoV

"Hoy Somera ano pumasok sa kokote mo na tawagan ako hatinggabi?" Inis na bungad ko sa tawag niya.

Sino ba naman matutuwa na mabulabog ng kaibigan thru phone call around midnight? Sira na tuloy ang maganda kong tulog.

"Gabrielle mah homey you are in luck! May suprise ako sayo! Pero wag ka umasa masyado ah!" Rinig ko paghalakhak niya at pagsigaw ni Laney sa background.

"Cole lasing ka ba?" Tanong ko habang nagfafacepalm.

"Hindi ah! Nag-usap lang kami ni Ate Abby about kay Co--"

"Sorry Gabb lasing si Cole. Pasensya na hehe bukas nalang kayo mag-usap papatulugin ko na 'to." Pagsingit ni Laney at tinapos ang tawag.

Okay??? That's good I guess??

Binalik ko ang phone sa table at sinimulan na ulit na matulog ng mahimbing.

Bukas ko nalang kausapin si Cole after ng pagbisita ko kayla Ate Sheki.

-----------------------------------------------------------
Hi guys! Sorry slow ako mag-update ngayon hehe hope na nagustuhan niyo itong chapter na to hehe

String Of FateWhere stories live. Discover now