Kabanata 50

23K 797 50
                                    

Napatingin ako kay Nathan habang nagtitiklop ng mga damit ko na nasa kama dito sa maid's quarters.

Inutusan kasi ako ni Keian na kunin ko yung mga gamit ko sa maid's quarters at dalhin sa kwarto niya kasi doon ako matutulog. Keyword: inutusan.

Hmph!

Tapos nakakalungkot na parang nagi-spy talaga ako kay Nathan.

Kasama ko siya at tinuring ko na ding kaibigan simula palang nung nagtrabaho ako dito.

Pero kahina-hinala talaga yung galaw niya at mapapansin na kinakabahan siya.

Napatitig ako kay Nathan kasi nagsimula itong manginig habang hawak-hawak ang cellphone.

" Ayos ka lang, Nathan?" Tanong ko dito. Kami lang kasing dalawa ang nasa kwarto ngayon. Sila Ema at Jane ay naglibot sa buong property nila Keian. Karamihan raw kasi ay kahapon lang nila nakita, lalo na yung headquarters.

Pinaalalahanan ko naman sila na huwag masyadong lalapit sa HQ at dun sa may training field para hindi mapaghinalaan.

Nanlalaki ang mata ni Nathan na tumingin sa akin. Tumango lang siya at napayuko.

Napabuntong hininga nalang ako tsaka tumayo.

Nilagay ko yung mga gamit ko sa bag na dala ko nung nagtrabaho ako dito para dalhin sa kwarto ni Keian.

" Uhhmm. Nathan. Hindi na muna ako dito matutulog. Sabi kasi sa akin ni Kei----"

" Okay" natigil ako sa pagsasalita nang magsalita ito.

Napapikit pikit ako sa ginawa niya.

Dala ang bag, naglakad ako papunta sa pinto. Binigyan ko si Nathan ng huling tingin bago lumabas.

Huminga ako ng malalim, hinihiling na mawala yung mabigat na pakiramdam sa dibdib ko.

Pero wala itong nagawa.

Umakyat na ako sa hagdan para makapunta sa kwarto ni Keian.

Mga alas-singko palang ng umaga at halos kami lang maids ang gisibg sa mansyon.

Kagabi kasi ako inutusan ni Kei na doon na matulog kaya ngayon ako nag-ayos ng damit.

Pagkabukas ko ng pinto sa kwarto ni Keian ay bumungad sa akin yung panglalaking amoy ng kwarto niya.

Kelan ba mawawala yung amoy na toh? Nakaka-adik kaya!

Nagulat naman ako kasi nakita kong nakahiga pa si Keian sa kama niya. Infact, nakadapa pa.

Ngayon ko lang siyang nakitang hindi gising nang mga 5'oclock sa umaga.

Kadalasan kasi ay mga alas-kwatro ay gising na siya.

Dahan-dahan kong isinara ang pinto tsaka ibinaba ang bag ko sa tapat nubg walk in closet niya.

Tsaka ako lumapit sa kama ni Keian pagkatapos ay lumuhod sa sahig.

Nakapalumbaba kong pinagmasdan ko yung natutulog na mukha nito.

Bakit ganon? Yung ibang tao, kahit na nagpupuyat na, hindi naman ganong kalalim yung eyebags. Bakit ako!? Huhuhu.

Siguro ay napagod talaga siya kahapon kaya hanggang ngayon ay tulog pa si Keian.

Wala sa sarili kong nalapit yung kamay ko sa nakakunot nitong noo kahit natutulog.

I gently tried to make the lines on his forehead disappear and it worked!

Haystz.

Kuntento ko siyang tinitigan bago tumayo at inangat yung kumot niya pataas sa may leeg niya.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon