Chapter 3

38.3K 1.3K 643
                                    

Chapter 3

Rest

Kahit may nabalitaan akong babae ni Zoren ay hindi ko na muna pinatulan. Dimples was thrown away by him that fast. Gusto niya rin mag file sa akin ng suspension, kaso hindi pwede dahil out of school premises daw ang insidente. Hindi ko alam kung paano natigil ang issue pero wala na akong pakialam doon.

Nalaman din ng parents ko dahil tinawag ng admin sa kanila. They gave me lectures but did not throw a fit or what. Palagi namang nadadaan sa mahinahong usapan ang lahat pagdating sa kanila.

Buti na lang dahil hindi ako maaaring ma-suspend. I'm the team captain. I have to handle these stubborn girls.

"Jump higher!" sigaw ko habang tinatapon ang mga bola sa dalawang setter malapit sa net.

"Kulang pa ba?" pang-aasar ni Covy at nag-spike ng bola na nasa ere. Nasalo 'yon ng mga tagapulot ng bola. Mga rookies.

Sinamaan ko ng tingin si Covy.

Nakuwento ko kasi sa kanya ang nangyari. That was my question when I was nearly drunk. Naki-sleepover ako sa condo niya. 'Kulang pa ba? Kulang pa ba ang mga ginawa ko? Kahit kailan ang gago mo, Zoren.' Look what you did to me. Narinig niya lahat ng resentments ko.

"Peace!" aniya at nag one lap jog.

Gano'n ang routine namin ngayon. After one lap jog, jump to kill. I'm strengthening their endurance and stamina. Kailangan dahil malapit na ang interhigh. Makakalaban namin ang iba't ibang teams from different powerhouses.

"Last two!" sigaw ko at inayos ang pagkaka-ipit ng mahaba kong buhok.

"Cap, ang daya mo! Bakit hindi ka sumasali sa amin?!" hingal na hingal na si Seth.

Sasagot pa lang ako nang magsalita na si Elton.

"Kaninang madaling araw pa 'yan nandito. Bago kayo napagod, siya ang unang naghirap."

Nasa kabilang court sila at ginagawa ang sarili nilang routine. Buti na lang maganda at malawak ang gym namin. Kabanas kaya ang outdoor practice! Ang bilis ko pa naman umitim.

"Sipag mo naman ata ngayon?" ang Co-captain ko, si Cena

.

"Ganyan talaga kapag may gustong kalimutan!" pasigaw na sabi ni Covy at naglakad takbo papunta sa duffel bag niya. I glared at her. She grabbed her tumbler and drinks like there's no tomorrow. Hindi rin ako pinansin.

"Imposibleng kalimutan niya si Zoren!" si Elton at saka pumito. "Break time!"

"Sa wakas! May kinakalimutan din ata captain namin!" sinuntok ni Fritz ang braso ni Elton. Hingal na hingal din siya.

"Malapit na interhigh. Ganito naman tayo palagi. Hindi pa kayo nasanay," sabi ko at uminom din sa tumbler ko. Napagod ako kakasigaw.

Ang dami nilang arte kapag practice tapos kapag natalo magsisisi. Sana raw nagpursiging nag practice blah blah blah!

"Anong ganap sa inyo ni Zoren, Kelly? Usap-usapan kaya kayo. Kahit mga outsiders ay nakiki tsismis," si Cena.

Nandito na kami ngayon sa bleachers sa kanan. Nakakapagod. Umaga pa lang, a. Tapos sumasabay pa sa pagod ko ang pagiging usisero at usisera nila.

"They are all curious," si Covy.

"Who wouldn't be. Bantay sarado ng ilang taon tapos biglang nakawala. Zoren is like a pig now escaped from his cage. Pinag-aagawan ngayon. Pinag-pi-piyestahan," si Fritz na sumigaw pa dahil sa pagod.

I am the cage, right? Pig's cages are dirty as hell! Full of poops and soaked feeds. Nandiri ako. Ang daming pwedeng gamitin, kulungan pa ng baboy.

"Anyare nga? Huy!" siniko ako ni Seth. I glared at her.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon