Chapter 4

16.9K 1K 379
                                    

Louella

I'm so damn tired.

Napailing na lang ako habang tinitingnan sa mga natirang damit ko yung pwede kong suotin pantulog.

That darn Alliston made my things messy. Kitang kita ko pa yung mantsa ng dugo sa ibang damit ko na sigurado akong maayos naman na nakatiklop kanina sa luggage ko bago ako umalis kanina. Buti na lang hindi yung mga undergarments ko yung naisipan nyang pagdudumihan.

I chose to pick up the old green pajamas na hindi ko gaanong sinusuot pero lagi kong dala. This one is my favorite dahil niregalo pa sakin ito ni Aria using her own hard-earned money. Ito na lang muna yung susuotin ko tapos papalabhan ko na lang muna lahat ng damit ko para siguradong malinis. Mamaya kung ano pang ipinaglalagay doon ni Alli.

It's okay, Louella. Huwag mo na lang patulan si Alliston. You know how spoil of a brat she is kahit pa nung mga bata pa ito. Kaya nga di ba tinatyaga mong turuan ng leksyon silang dalawa noon ni Aria?

Surely, Alliston knows her ways. Yun nga lang yung ginawa nito ngayon is out of the line. Pasalamat sya at pagod ako ngayon para mag-isip ng igaganti ko sa kanya. Kung patutulugin nya ako ng maayos ngayon ay baka bumait pa ako sa kanya bukas at hindi na ako mag-isip gumanti.

Matapos kong ligpitin lahat ng kalat sa kwarto ay dumiretso na ako sa kwarto ni Alliston. Their house here isn't as huge as their mansion sa Pilipinas noon. But nevertheless, mababakasan pa din iyon ng karangyaan. Why not? Alliston Parker is one the youngest self-made billionaire. Bukod pa sa sikat talaga ito after winning four championships in a calendar year.

That really makes me wonder on why she settled to be a mistress. Sa status nito ngayon, sigurado na ang daming nagkakandarapa dito. Plus, much as I hate to admit it, Alliston is really a sight to behold. Sobrang ganda kasi nito na nakakailang dahil siguradong laging agaw-atensyon. Kahit siguro mga kilalang personalidad ay mahihiyang humilera sa tabi nito. She's basically oozing with charm and appeal.

A huge personality that takes much space.

I know because she was one of the crowd's princess noong nasa same school pa kami. Everyone will do everything para lang mapansin nito.

So why Alliston? Bakit si Kyeroh pa? You've got a lot of choices. Bakit sa may asawa ka pa pumatol? He is just a typical good-looking guy that has a brain between his legs. Hindi naman malaki yung kargada nun. Jusko kang bata ka!

After battling internally kung kakatok pa ba ako o hindi na, ay mas pinili ko na lang na kumatok. Baka mainis pa si Alliston kung bigla na lang akong papasok. Sabi nya nga kanina, it's still her privacy though.

Tahimik na bumukas yung pinto at walang imik na bumungad yung ulo ni Alliston. I gave her a soft smile. She returned it back, surprisingly.

"Come in." Mahinang sabi nito.

Nagtatakang pasimple ko syang hinagod ng tingin. Nakakapanibago na mabait ito ngayon. Nakaligo na din ito at nakapantulog na. Mukhang matutulog na din nga ito.

"I prepared milk for us. Nasa bedside table na. Inumin mo na habang mainit pa." Dugtong pa nito na inilapat pasara yung pinto nang tuluyan akong makapasok ng kwarto. Rinig ko pa yung mahinang click ng lock niyon.

"What's in the milk? Laxatives again?Try putting poison this time, Alli bear. Surprise me naman." Kaswal na sabi ko habang pinapagala yung paningin ko sa loob ng room nya.

Contrary to what I am thinking, Alliston's room isn't a color of pink or blue na akala ko ay paborito nyang kulay. The theme of her room is just black and white. Simple lang din ang ayos pero mamahalin yung mga gamit na nandoon. A huge bed that can fit probably three to four persons. Yung bedframe niyon ay color black while the bedsheets and pillows are all white. Yung uluhang wall niyon ay may malaking painting ng mukha ni Alliston na nakangiti habang suot suot yung mga medalya at mga trophy nito. May malaking chandelier na umiilaw sa gitna ng kwarto habang may mga pendulum lights naman sa magkabilang gilid ng painting sa uluhan ng kama. That perhaps is the replacement for the bedside lamp.

Taming AllistonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon