Chapter 4

39.1K 1.4K 547
                                    

Chapter 4

Worse

Nasa loob na ako ng school nina Zoren para sa intramurals nila. Nandito pa rin ako sa parking lot at nasa loob ng kotse. I'm waiting for the girls. Kasabay ko si Kenzie kanina kaso nauna na dahil meron na ang mga kaibigan niya.

Ayaw ko naman na mag-isang maglakad papunta kay Gale. Loner lang? Wala kasi ang mga classmates ko.

Habang naghihintay ay pinagmasdan ko ang dagat ng estudyante. Some of them are familiar to me. Mga athletes din from different schools. Maybe they came here to observe their future opponents as well.

Naka-OOTD ang mga babae. Kapag kasi may ganitong event, usually ang mga girls ay nag-bo-boy hunting lang. Tamang pa-picture sa mga crushes at pa-cute. 'Yun lang ang role nila rito.

Ilang minuto pang paghihintay ay natanaw ko na ang pulang Porsche ni Covy.

Covy, Seth, Ays and Terry. Bumaba na sa sasakyan.

Bumaba na rin ako nang tinapik ni Seth ang hood ng sasakyan ko. Ang yabang pa ng hitsura niya, a. Inasar nila ako dahil prepared na prepared daw ako para kay Zoren.

"Naka-baseball shirt pero hindi naman maglalaro ng baseball." tumawa si Seth.

I'm wearing a white adidas cropped tank top inside my black open baseball shirt, a black high-waist short and a white sneakers. Naka baseball cap at black sunglasses din ako para hindi ako mamukhaan ng ilang estudyante. Hassle kasi kapag maraming nagpapa-picture. Kung nasaan ka, nandoon din sila.

"Your outfit is cool," malamig ang boses ni Ays nang sabihin 'yon kaya hindi ko feel.

"Parang 'di naman totoo," I laughed.

We are all wearing high waist shorts. Nakakairita kasi kapag pants. Kumakati ang legs ko kapag natanggal na. I hate scratching my skin.

Ako lang ang naka-cap habang naglalakad kami. Pinagtitinginan nila kami at karamihan ay sa akin ang tingin.

"Ba't ka ba sikat, Kesh?" tanong ni Seth.

"Captain, e," si Terry at hinawi ang mahaba niyang buhok.

"Maganda raw kasi ako—"

"Yak!" at nagkunwaring nasusuka ang pinsan ko.

"Ewness!" sinabayan naman ni Seth. Pangisi-ngisi lang naman ang dalawa sa tabi ko.

Palapit sa open field nila ay naririnig na namin ang party songs. Ang ganda ng beat. Pakiramdam ko tuloy para kaming hot chicks na naglalakad at naka slow motion mode. Natawa tuloy ako sa iniisip.

"Baliw," rinig ko kay Seth.

Papunta kami ngayon kila Gale. Sa open field kasi ang mga booths. Ang ganda ngang tignan ang mga stalls nila, e. Ang sabi niya sa akin, sa kanila raw ang may pinakamalaking umbrella tent at malakas na music.

"Gagi, ang angas talaga ni Gale!" malakas kaming tumawa sa sinabi ni Covy.

Sobrang laki ng umbrella tent nila! Parang may kasal! Sa magkabilaang gilid ay may tumataas na tubig at babagsak din sa kung saan 'to nanggaling. Sumasabay 'yon sa beat ng speaker nila na sobrang lakas!

"What the fuck, naka-sound system sila!" Malakas na tumawa si Seth at tumakbo na roon. Sumunod na si Covy.

Nang makita na ako ni Gale ay ngumisi siya. Nang itapat niya ang bunganga niya sa microphone ay gusto ko siyang takbuhin at pigilan pero huli na ang lahat. Napalunok facepalm ako sa ginawa niya.

"Wazzup people! Kelly Sian Gonzaga is in the house!!" Sobrang lakas n'on dahil naka-connect sa sound system.

"Tang ina," bulong ko na ikinatawa ng dalawang katabi ko at pumasok na sa booth.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon