Chapter 2

16.5K 810 200
                                    

Malapad ang ngisi ko habang papasok ng coffee shop. Ito ang lagi naming tambayan nina Kobi at Jade. Ang dalawa kong maharot na kaibigan. Bukod sa masasarap ang kape at cheesecake nila rito ay marami ring tumatambay na mga oms at borta rito. At simula noon, hindi na kami lumayo-layo pa.

Pagkapasok ay nakita ko agad sina Kobi at Jade na abala sakanilang mga cellphone. At nagningning naman ang mga mata ko nang makitang jam-packed na naman ng mga pogi ang coffee shop. Mayroon pa ngang dalawang naka muscle shirt lang at maikling shorts. Halatang galing gym o ano.

Impit akong tumili habang palapit sa table ng mga bakla kaya napa-angat sila ng tingin sa akin. Agad silang nag-ngisihan.

Pagkalapit ko ay pabiro akong sinampal ni Jade. Tumawa naman si Kobi. Nakapa-hayop.

"Aray! Mesheket..." Eskandalosa akong umungol dahilan upang magsilingunan ang mga customers. Nakita kong napa-ngisi ang mga lalaking naka uniporme ng Ford High sa unahan. Oh kita mo, ang lalandi rin ng mga ito.

"Squammy ka talaga, Apple!" Pinalo ako ni Kobi sa hita. I giggled.

"Oh, saan na? Anong name ng app?" At nilabas ko agad ang cellphone ko. Bumalik naman ang interes nila sa kaniya-kaniyang phone nila. Ipinakita sa akin ni Kobi ang icon ng app na kulay red na parang orange. At binuksan niya iyon. Sinearch ko naman agad iyon sa App Store ko at dinownload.

"So ganito, parang iyong na download lang din natin na dating app. Kaso dito mas maraming chances of winning!" Excited na paliwanag ni Kobi habang tinuturo sa akin kung paano gamitin ang app.

"Magswa-swipe ka lang. Left for ligwak and right for havey. Tulad nito."

Namilog ang mga mata ko ng makakita ng abs. Pinindot pindot iyon ni Kobi upang lumipat-lipat ng pictures. Na gets ko agad.

"Ang ganda no?" Ngisi ni Kobi sa akin.

"Corrected by!" Sagot ko naman.

At chineck ko na rin ang akin. Nang matapos at ma-install ko na ay sinunod ko na lamang ang guide roon. Nakagawa ako ng account at nagsimula na rin akong mag-swipe. Hayop! Ang rami ngang borta!

Natahimik kaming tatlo sa table namin dahil sa paggamit ng dating app. Sa kaka-swipe ko may nakita akong sobrang poging lalaki. May balbas siya at medyo may bilbil pero malalaki naman ang mga braso niya at ang built ng katawan niya. Puro gym selfies ang pictures niya. Sa bio niya ay may nakalagay na:

Half Filipino/half Pakistani. Would love to talk about random stuffs with you. Hmu.

Mabilis kong swinipe right at namilog ang mga mata ko nang mag match kami! Bahagya akong napatalon sa tuwa. First match ever!

"Bakla! Shuta!"

Niyugyog ko si Kobi at Jade na tahimik na sumisipsip ng kanilang milk tea. Napatingin na naman ang ibang customers sa gawi namin. Ang kaninang mga lalaking naka uniporme ay kakaiba na kung tumingin sa amin. Mas lalong pinamulahan ang mukha kong mapula naman na dahil sa tigyawat.

"Ang oa nito! Relax ka nga lang." Irap ni Jade. Sinabunutan ko siya kaya napa-aray si bakla.

"Eh kasi may match na ako, oh! Tingnan niyo!"

Ipinakita ko sakanila si J na na-match ko. Ngumisi rin sila.

"Bongga! Daddy material." Sabi ni Kobi at itinuon na ulit ang pansin sa cellphone niya. Mas lalo akong kinilig dahil sa approval nila.

Namilog ulit ang mga mata ko nang makitang may message na pala! At galing pa kay J!

J: Hey babe

Kinagat ko ang labi ko sa kilig at excitement. Bahagyang nanginig ang mga kamay ko sa kaba at tuwa. Agad akong nag tipa ng isasagot.

Apple: hey...

The Merciless Stud (Hot Trans Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon