Chapter 5

40.6K 1.3K 827
                                    

Chapter 5

Don't Let Me Down

"Wait lang! Ayusin ko muna ang tickets ng promo, huhu," si Gale habang natataranta sa pag gupit ng tickets. Kulay green ang mga 'yon at nakakalat sa mini table sa harap niya.

Marami pa rin ang bumibili. Ang ilan ay mga babae at nililingon si Elton at ilang boys namin dito sa loob.

Gwapo naman kasi talaga si Elton. Clean cut, malaki ang katawan, makinis, at mestizo. Manipis ang mga labi niya, isa sa mga dahilan kung bakit siya hinahabol ng mga babae. They are so curious how it feels like to taste and suck a thin lips.

Naalala ko ang kwento ni Elton noon. He had a girlfriend from Raven Claws and she's a sucker of Elton's lips. Sa halikan na lang daw at umiikot ang relasyon nila. Crazy girl.

Busy na ang lahat nang lingunin ko.

Marami naman ang miyembro rito sa booth nila. May kanya-kanyang tasks na naka-assign . Ang iba ay naghuhugas ng mga gamit, nag-gugupit ng mga tickets, nagbebenta ng juice, ang ilan ay nag-pa-pack ng combo meals, nag-aayos ng stage at kung ano ano pa.

"Magpe-perform ka?" tanong ni Elton habang umiinom ako ng juice.

Kasama niya sila Fritz ngayon sa sofa habang nanunuod ng jumanji. Naka tingin siya sa gawi ko.

I chuckled a bit after drinking. "'Hindi ako sure-"

"Anong hindi sure?" tinulak ni Covy ang braso ko. Galing sila sa labas at naglibot na naman. "Kakanta ka!" sigaw niya sa tainga ko kaya nilayo ko ang ulo ko.

Umirap ako at tinulak din siya. "Hindi ba pwedeng-"

"No, Kesian. No!" dramatic niyang sabi at tumawa. Sinadya niyang maging OA.

"Ano naman ang gagawin namin?" si Fritz na kanina pa kain nang kain. Walang ginawa kundi ang kumain na lang. At least, they're still adding income here in Gale's booth. Nagbabayad naman sila.

"Kailan ba kayo may ginawa?" prangkang tanong ni Seth at nakipagsiksikan pa sa sofa.

"Ang epal talaga. Sobrang epal!" si Fritz na dinudungaw pa si Seth sa likod dahil may may mga ibang tao pang nasa pagitan nila.

"Bakit hindi kayo nanonood ng games?" takang tanong ni Seth sa mga lalaki, sinadya na hindi pansinin si Fritz.

'Yon din ang tanong sa isip ko. Kanina pa nag start ang game ng lalaki, a? They need to watch and observe. That's why we're here, right? To get infos and use it for defense.

"Championship ang panonoorin namin!" si Fritz.

"La? Laban 'yon nila Ashi at Zoren kanina! Dapat 'yon ang pinanood niyo," si Seth kay Fritz.

"La? Laban," ang tanging sagot ni Fritz kaya sinapak ni Seth kahit nasa malayo. Nainis ang mga nasa gitna nila dahil sa kakulitan nila.

"Nandoon sila Wayne! Nanunuod naman sila. Sabi pa nga niya ay kukuhanan niya ng video ang game nila!" babawi pa sana si Fritz pero lumipat na si Seth.

Pwede ba 'yon? Hindi kaya mapagalitan kami ng admins nila? Pero wala namang rule na gano'n kaya sa tingin ko ay ayos lang.

"And kayo? Hindi rin kayo nanonood!" si Gian, ang libero ng team nila.

"Bukas pa games ng girls kaya bukas pa kami manonood," sabi ni Covy at tumabi kay Seth sa sahig sa may damuhan na may carpet. "Natutusok pa rin ang pwet ko. Ang tulis ng mga damo," aniya at tumawa sila ni Seth ng malakas.

Nang matapos mag-lunch ay nagpahinga ako sa labas. Hindi naman mainit dito dahil covered pa rin ako ng tent nila. May reclining chair din na dinala si Gale at ako ang madalas na gumagamit.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon