Part XIV | Hindi Maitatanggi ng Puso

497 25 33
                                    


Amihan: Anak .*cries*

Hindi alam ni Amihan kung bakit nya nasabi at lumabas nalang bigla ang sa ang salitang iyon sa kanyang bibig. Kahit hindi nya kilala ang babaeng kanyang hinahagkan ay nasabi ng kanyang puso ang kanyang nararamdaman. Nang makita sya ni Natasha, tumakbo sya sa kinaroroonan nina Lira at Amihan.

Natasha: Jusko naman Lovely, kung saan saan ka nagpupupunta matetegi ako kay nanay nyan pag di kita nahatid sa kanya ng buhay.*scratches her head then looks at Amihan ang Lira on the ground* Uy, bakit mo ba iniiyakan mo yang taong yan, kamag-anak mo? Best actress lang ang peg? Huy!*kinalabit si Amihan* Halika na, kailangan mo pang magtrabaho di ba? Iwan mo na yan jan.

Amihan:*still crying* Hindi ko sya kayang iwanan dito Natasha, yung katawan nya ay sobrang lamig! Hindi ko alam kung bakit ngunit ang sinasabi ng aking puso ay kailangan ko syang tulungan. Kaya maaari mo ba akong tulungan sa pagbuhat sa kanya?*holds Lira's face* 

Natasha: Ano bubuhatin natin sya ganon? Ayoko nga, masisira lang beauty ko noh.*snobs*

Amihan:*crying* Natasha parang awa mo na, tulungan natin sya. Hindi ko sya kayang iwanan nang ganito.*try to lift Lira*

Habang tinitingnan ni Natasha si Amihan na pilit at unti-unting nababagon ang walang malay na si Lira, may isang magarang kotse ang tumigil sa kanilang tapat at bumaba ang lalaking nagmamaneho nito.

Kyle: Natasha, what happend here?*worriedly walks towards Lira then helps Amihan to carry Lira*

Natasha: Eh sir Kyle, may nahimatay po kasi dito na tinutulungan ni Lovely eh naawa daw sya. 

Kyle: Relative nya ba to?

Natasha: Ayun na nga po sir eh, hindi naman. Eh kung makaiyak po itong kasama ko parang kamag-anak nya. Mamaya modus lang ng babaeng yan ang himatay-himatayan school of acting nya eh magnanakaw pala.

Kyle: Kahit na, she's right Naty. Even though hindi nyo sya kilala at kailangan nila ng tulong dapat tulungan mo. Let's go I'll bring you guys to my house, I'm sure manang Linda is waiting for us.

Habang pinapasok nila lahat si Lira sa back seat kasama doon si Amihan na walang humpay ang pag-aalala sa taong nakilala nya ay sumakay naman sa harap si Natasha at sa driver's seat naman si Kyle. Pagdating nila sa bahay nila Kyle, ay sinalubong sila ni Linda sa gate at nagulat sila kung sinong babae na walang malay ang bitbit ni Kyle papasok sa bahay niya.

Linda: Hala, sino naman yan? Natasha, ang sabi ko dalhin mo dito si Lovely, hindi magdala ng isa pa. At sumabay pa talaga kayo sa amo ko, nakakahiya tuloy sa kanya.

Amihan: Paumanhin ginang Linda, ngunit hindi naman si Natasha ang may sala. Dahil ako talaga ang nagsabi sa kanya na tulungan namin ang nakakaawang dilag na nakahandusay lamang sa kalsada.

Linda:*smiles* Okay lang naman ang tumulong hija, kaso dapat iniuwi nyo na lang siya sa bahay para hindi naman nakakahiya kay sir Kyle.

Natasha:*smirks* Wow nay, ayos ka rin po noh. Eh dagdag na naman yan sa gastusin natin eh okay na yun na nandito sya atleast si sir Kyle mayaman. Kaya syang pakainin non. Masikip na nga yung bahay dahil sa kanila magdadagdag ka pa. Hay! Nakaka stress much ah.

Linda:*stares at her daughter* O, ayan ka na naman sa kakadada mo lumayas ka na nga dito at magtrabaho ka na jan sa bar bar mo!

Natasha: Nay, gabi pa pasok ko remember? Wala namang bar ng ganitong oras noh, ang aga pa kaya.*flips her hair*

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon