III

12.1K 511 3
                                    

The Arrival

Ang bayan ng Tuelolo ay ang pinakamaliit na bayan na makikita sa timog-kanluran ng Heart Kingdom. Lahat ng mga mamamayan dito ay masayahin at masisipag. Kadalasang hanap buhay nila ay agrikultura at weapon wielding. Kilala sila bilang mga mababait na nilalang. At dahil sa isang dragon na kung tatawagin ay Black-winged lava dragon na isa sa mga kilalang dragon dahil sa angkin nitong lakas at laki. Dahil sa dragon, namamalagi ang mga mamamayan sa bayan ng walang mga masasamang nilalang ang umaatake o mga demonyo na mga hayop dahil sa aura ng dragon na nakapaligid sa bayan na nagpoprotekta sa mamamayan.

Hindi man kalakihan ang bayan, lahat ng tao rito ay may angking lakas na matatapatan ang isang opisyal sa Heart Kingdom.

Nagdidiwang at nagsasayahan ang mga mamamayan ng Tuelolo dahil ngayon ang 501st year na naitayo ang kanilang bayan. Lahat ng lugar ay may dekorasyon na nakakaakit sa mga mata. Makukulay na mga lanterns at kakaibang mga hugis ng lobo ang makikita sa iba't ibang paligid. Lahat ay may nakahanda sa harapan ng bahay nila na mga candy para sa mga bata na naghahabulan o naglalaro sa iba't ibang bata.

Nang biglang napatigil sila sa kanilang kasayahan at iisang deriksyon ang tiningnan nang umatungal ang dragon ng napakalakas na tila ito ay nagtatawag ng tulong.

Nagkatinginan ang mga mamamayan at mabilis na kinuha ang kani-kanilang sandata  at mabilisang tinakbo ang tirahan ng dragon. Iniwan nila ang kanilang mga anak sa loob ng bahay upang masigurong ligtas sila doon.

Pagkarating nila sa bulkan kung saan namamalagi ang dragon, nakita nila kung paano ito lumipad papataas. Lahat ng mga tao na nakakita nito ay naghintay sa susunod na gagawin ng dragon at nakatingala sa langit upang ito ay matanaw.

Nagtataka man ay naghintay pa rin sila at hinanda ang kanilang sarili sa anumang labanan ang mangyayari.

Binuka ng dragon ang kanyang bunganga at nagbuga ng lava papataas na siyang pinagtaka ng lahat. Naghugis ipo-ipo ang lava na galing sa bibig ng dragon na hanggang ngayon ay nakabukas pa rin na tila kinokontrol ang kapangyarihan na inilalabas. Kasabay nito ay ang paglitaw ng isang nakabalot na nilalang ang nahuhulog galing sa taas at dumiretso sa direksyon ng dragon. Kasabay nito ay ang paglaho ng kapangyarihan na nilabas ng dragon at ang pagsalo ng dragon sa nilalang na nakabalot gamit ang noo nito.

Pinagaspas naman nito ang malapaniki na pakpak upang makababa ng dahan-dahan palapit nang palapit sa mamamayan na kanina pa nakatingin sa nangyayari.

Ang mga nakakunot na noo ng mga mamamayan ay kitang kita sa kanilang mukha.

Nanglumapag ang dragon sa kanilang harapan, hindi sila tumakbo bagkus ay lumuhod sila gamit ang kanang tuhod at ang kanilang kanang kamay ay nasadibdib at nakayuko para magbigay ng galang.

"Paano po namin kayo matutulungan?" Nakayuko pa ring bigkas ng pinuno ng Tuelolo.

Tinitigan lamang sila ng dragon ng ilang segundo upang sila ay kilatisin.

Makalipas ang isang minuto, dahan-dahang ibinaba ng dragon ang kanyang ulo upang hindi mahulog ang isang nilalang na nakabalot sa noo nito.

Agad namang nakuha ng isang babae ang ibig na ipahiwatig ng dragon kaya siya ay tumayo at mabilisang kinuha ang nilalang sa noo nito ng marahan.

Ang babae ay nabigla nang makita niya kung ano ang nakabalot. Isang sanggol, babaeng sanggol. Napakaganda nito, mahahaba ang mga pilikmata, malarosas na mga pisngi, kasing puti ng nyebe at may itim na itim na buhok. Bumukas ang mga mata nito at marahang kumurap-kurap bago ngumiti sa babae.

Napatingin naman siya sa dragon na sya rin palang nakatingin sa kanya.

"Itago sa lahat ng tao ang nangyari rito." May otoridad na wika ng dragon. Nagtataka man, tumango na lamang ang mga mamamayan. "Alagaan mo siya." Sabi niya at tiningnan ang babae na may hawak sa sanggol bago lumipad papaalis.

Afianna: The Reincarnation Of A GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon