IV

9.7K 534 45
                                    

Chapter 4 - Fight

Nagdaan ang sampung minuto, marami na ring pumasa at marami na ang natanggal dahil nakakuha sila ng black, brown or orange. Ang black ay ang pinakamababa sa lahat ng rank. Sumunod rito ang brown tapos ay ang orange.

Highest to Lowest Rank:
White
Red
Green
Blue
Yellow
Purple
Orange
Brown
Black

"Next." Sabi ng isang opisyal sa aking harapan.

Ako na pala.

I step forward and wait for his instructions.

"Your name." Sabi niya habang nakatingin sa papel at may hawak na panulat.

I give him a card na naglalaman ng pangalan ko na siyang pinagtaka niya. My name is too long for me to say kahit nakaseal ang kapangyarihan ko. Even my name is restricted for me to say.

"Afianna Valerie Glae." Basa niya sa card at tumingin sa akin. "You don't talk?"

Agad naman akong umiling.

"Well then miss, kailangan mo lang maglabas ng enerhiya sa iyong mga palad at ilapat iyon sa crystal. Now go."

Agad naman akong tumalima at ginawa ang kanyang sinabi.

Bitbit ko ang case sa kaliwang kamay kaya ang kanan ko ang inilapat sa crystal at naglabas ng kakaunting kapangyarihan. Kontrolado ko ang paglabas para hindi masyadong magtaka ang mga nag-aabang at nanunuod.

The crystal shine brightly that is why I immediately close my eyes and just concentrate on controlling my power.

Yellow. Yellow was vividly seen in the crystal.

"You pass." Tinanguan niya ako kaya nagbow muna ako bago umalis at umupo sa gilid.

Makalipas ang tatlumpong minuto, natapos ang evaluation at 18 lang ang nakapasa out of 29.

Lahat ng nakapasa ay natuwa at lahat ng hindi nakapasa ay nadismaya.

"Those who pass the test, proceed forward to pick a number."

Pumila ulit kami habang bitbit ko pa rin ang case sa kaliwang kamay. Nang ako na ang susunod, tumayo ang sa box at tinitigan ang pabilog na butas sa gitna ng box at ipinasok ang kamay ko ron at kumuha ng card bago umalis at naglakad papunta sa ibang kalahok.

"Afi!" Sigaw ng isang lalaking kilalang kilala ko. Naglakad ito papunta sa akin na may malalaking ngiti.

Here we go again.

"Ano ang number mo?" Sabi niya at pilit na tumitingin sa card ko. "Aww. Sayang. 7 ako eh tapos 3 ka. Baka may pagkakataon pa tayong maglaban sa arena kung mananalo tayo at tapos sa panghulihan tayong dalawa na ang maglalaban." Masiglang wika niya.

Tinitigan ko lang siya at bumuntong hininga.

"All participants attention. Bawat numero ay may kapareho. Ang labanan ay simple lamang, kailangan niyo lang talunin ang iyong kalaban gamit ang inyong kapangyarihan, sandata at lakas. Depende na sa inyo kung paano niyo gawin. Ang mandadaya ay disqualified agad." Sabi ng lalaking opisyal habang tumitingin sa mga kalahok.

Handa na ba ako? Handa na! Pfft hahaha

"Para manalo kailangan lamang mapalabas ang inyong kalaban sa arena circle or if you can make your opponent surrender." Napatango naman ang mga kalahok. "Number 1 please proceed to the arena circle."

Afianna: The Reincarnation Of A GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon