-----Other WorLd-----
IsinuLaT Ni : CaroLiNa BarriosChapter 46.
Kitang kita ko sa mga mata ni Nicolas ang lungkot niya, lungkot sa tuwing nakikita niya kaming magkasama ni Duncan, lungkot na palagi kong napapansin sakanya, lungkot na dinaramdam niya araw araw. Pero anong gagawin ko iisa lang ang puso ko, at si Duncan lang ang tinitibok nito. Anong gagawin ko kung isa lang ang pwede kong mahalin, ano ang gagawin ko?
"Shenelle!!!!"
Nagulat ako at tumingin sa dulo ng Hallway nandoon sila si John at Duncan, gusto nila ako iligtas sa kamay ni Nicolas, pero bago paman sila nakalapit, naramdaman ko ang pagtulak saakin ni Nicolas..
Sa hallway na madilim ang una naming pagkikita ni Duncan, hindi ko pa siya kilala nun.
"Kailangan Mo Ng Makaalis Dito Sa Lalong Madaling Panahon".Sa labas ng mansion nung pinagtanggol niya ako sa mga lalake sa labas.
"Pasensya Kana, Kung Natakot Kita, Pangako Poprotektahan Kita Hanggang Sa Magbukas Ang Pinto At Makauwe Kana Sainyo".Sa party sobrang miss ko na siya nun, dahil ilang araw kaming di nagkita.
"Hindi Ko Alam Kung Paano Sasabihin Ito Pero Mahal Kita Shenelle Mahal Na Mahal Simula Nung Una Palang Kitang Makita".at sa terrace, ang araw na nagpropose siya saakin.
"Shenelle, will you marry me??,"bakit naalala ko itong lahat, bakit???.
Ng biglang ( boogsssh)
tumilapon ako sa sahig ng isanng museum.. pamilyatlr ang museum, ito ang museum na huli kung napuntahan bago makarating kayla Duncan,"Duncan Hindi!!!"
Tumayo ako at hinanap ang pinto, pero wala na wala na ang pinto.. sobrang daming pumapatak na luha sa mga mata ko, hindi ko na makikitang muli si Duncan.may humawak sa balikat ko.
"ok ka lang miss?,"Pinunasan ko ang mga luha ko, doon ko lang nalaman ang dami na palang nakatingin saakin, dahil ako lang bukod tangi sa museum ang naka gown..
Hindi ako sumagot sa mamang nagtanong sakin, wala ng magagawa ang pag iyak ko, hindi na din naman mababago ng luha ko ang lahat. Sa huling sandali tumingin pa ulit ako sa pader baka sakaling lumabas ang pinto, pero hindi lumabas ako ng museum at naglakad, alam ko hinahanap na ako saamin at pati sa school, dahil isang buwan na akong nawawala, hindi lang talaga maiwasan na may mapatingin saaking mga tao, sa edad ko ba naman naka suot ako ng wedding gown. Sayang diko na dala wallet ko, kahit papaano may pera pa ako doon, na hindi ko nagamit sa mundo nila Duncan, lalakarin ko nalang pauwe.--------
Wala na sarado na ang pinto, hindi na naabutan nila Duncan si Shenelle.
"anong ginawa mo!!!." isang malakas na sapak ang pinakawalan ni Duncan na tumama sa muka nito. Dahilan para magdugo ang bibig ni Nicolas.
hindi nagsasalita si Nicolas. Dumating na sila Tyler.
"anong nangyare?, asan na si Shenelle?."
Pinilit buksan ni Tyler, ang pinto habang sinisigaw ang pangalan ni Shenelle..
"Shenelle!!, Shenelle!!""kahit anong gawin mo diyan, walang mangyayare." dismayadong sabi ni John.
gusto pa sanang suntukin ni Duncan si Nicolas, pero di niya kayang manakit, kaya pinigilan niya ang sarili niya. Nakatingin lang silang lahat ngayon kay Nicolas, na sa unang pagkakataon nakita nilang lumuha. Lumuha siya dahil siya mismo ang nagpaalis sa unang unang babaeng minahal niya. Si Shenelle at alam niya sa sarili niyang hindi na sila magkikita kahit kailan..
"Susundan ko si Shenelle sa mundo ng mga tao,"
nagulat ang lahat sa sinabi ni Duncan."paano mo gagawin yun kuya, diba may kapalit kapag pumasok sa lagusang iyan?,"
"oo tinanong ko si ama, tungkol diyan,"
(Flash Back)
"ama ano pong mangyayare saakin sa oras na pumasok ako sa lagusan patungong Other World?,"
"Tanging mga pure blooded vampire lang ang nakakapasok, labas sa portal na walang nangyayare katulad ko, pero sa kaso mo, isa kang half vampire ang half human, sa oras na pumasok ka sa lagusan na iyon, mawawala ang pagiging vampire mo at magiging tao ka nalang, sa madaling salita, iikli ang buhay mo katulad nila,"
"ah ganun pala ama,"
"bakit mo iyan naitanong Duncan?,"
"wala naman po ama, sige mauna na po ako,"
"yaan pala ang sabi ni ama sayo kuya Duncan," sabi ni Tyler.
"Pero wala kang kasiguraduhan kong magkikita kayo sa laki ng Other World," sabi ni John.
"alam ko magkikita kami dahil mahal ko siya, at yang pagmamahal na yan ang magiging susi para magkita kaming dalawa muli,"
lalong natahimik si Nicolas, at tumingin kay Duncan na pursigidong pursigidong mahanap si Shenelle kahit ano ang mangyare.
Lumakad na si Nicolas, tutungo sa kanyang silid, hindi nila pinapansin ito.
"Edi maghihintay kang muli ng isang buwan, upang sa muling pagbukas ng pinto," tanong ni John.
"Oo, sasama kaba sakin mang Nato,"
"Hindi, wag mong isama si mang Nato kuya, mahal ko to ee," sabay yakap kay mang Nato.
"Bitawan mo nga ako hindi kita anak,"
"ano sasama ka mang Nato?,"
"hindi nalang sir, wala akong mahanap na trabaho doon, tsaka wala akong pamilyang babalikan,"
"yehey!!" Sabi ni Tyler.
"sige," buo na ang desisyon ni Duncan, talagang pupunta siya sa Other World at hahanapin si Shenelle, hindi natuloy ang kasal.
(Lucas POV)
"anak may nagtext saakin, pumunta nadaw tayo sa hospital, andito ang address ng hospital, nanganak nnadaww si Kathy,"
"sige ma magbibihis na ako,"
Nang makabihis kami ni mama, ay agad kaming sumakay ng jeep sa terminal, patungong hospital, kahit papaano sabik din akong makita ang bata, kamukha ko kaya siya, umandar na ang jeep at napakaingay. .. ilang oras din ang byahe dahil na stock kami sa kahabaan ng traffic. Ng kalabitin ako ni mama.
"Tingnan mo yun anak oh,"
"alin ma?,"
"yung naka wedding gown na naglalakad, ang init init kawawa naman,"
doon ko lang napansin, oo nga noh, ano kaya nangyare sakanya, tapos halos lahat ng tao sa kani kanilang sasakyan ay nakatingin sakanya.
narinig ko yung isa namin kasama sa jeep."kawawa naman, bakit kaya siya umiiyak?,"
"baka naman di natuloy ang kasal,"
"mukang bata pa noh,"
Ah umiiyak pala siya anlayo na kasi ng tinuro ni mama kaya diko napansin, kawawa naman pala ..
Itutuloy....

YOU ARE READING
Other World
RandomIsang Dalagang Ulila Na Sa Mga Magulang Ang Mapupunta Sa Ibang Mundo, Anong Mangyayare Sa Kanya Doon?, Paano Kung Ang Makakasalamuha Niya Ay Hindi Pala Mga Tao, Babalik Paba Siya Sa Mundo Niya, O Nanaisin Nalang Na Doon Tumira. Tunghayan Ang Kapanap...