Kabanata 26

2.7K 79 19
                                    

Negligence

"Zaccary! Ano na naman 'tong malaking iskandalo na kinasangkotan mo?"

Mariing pumikit ako ng bumungad sa'kin si Kuya Zac sa cellphone. Ni hindi pa ako nakapag hello at hindi pa siya nakaka-pangumusta pero heto siya't nagsisimulang pangaralan ako.

The news broke out instantly about what happen in the club. The news circulated even on online website and different news pages that I got tangle in three different men. Sinabi pa sa news na nagkasuntukan ang tatlo dahil pinagsabay-sabay ko raw sina Benz, Crux at Stefano!

Hindi na ako nakapag-pahayag ng statement dahil ngayon ang alis ko pabalik ng Pilipinas at wala narin akong oras e-entertain ang ganyang klaseng balita.

Stefano and Crux have huge fan base. Kaya kahit successful ako bilang theatrical actress at may mga nagmamahal at humahanga na fan, hindi din maiwasan na magkaroon ako ng mga haters at bashers dahil lang sa mga lalaking nali-link sa'kin. Being a stage actress for years and getting scandal from men who can't keep their professionalism, I got used to it that it doesn't affect me anymore kahit ano pang fake news ang ipakalat ng iba.

"It's nothing big, Kuya. How was your work?" I tried to avoid the topic but my genius brother can hint it!

"Bakit ba ang hilig hilig mo din kasi makipag-date sa mga artistang 'yan? Tsaka nagka-balikan kayo ni Benz?"

I shook my head as I massage the bridge of my nose. Tumingala ako sa malaking screen at binasa ang oras at araw ng arrival date ko.

"Hindi."

I heard his long sigh. "Kung hindi pala kayo nagkabalikan ni Benz, sino kina Crux at Stefano ang boyfriend mo kung gano'n? Baka talaga pinagsabay mo sila, ha, Zaccary?"

I couldn't stop bursting my laugh at his questions. Kuya Zac groan in frustration kaya tumigil na ako sa pag tawa pero nangingiti parin.

"Wala akong boyfriend. Okay na?" iiling-iling na kinuha ko ang bag saka hinanda ang sarili dahil nag call time na ang announcer.

"Eh si Gerald Vasquez. I heard on a news that he is interested in you. Pati ba 'yon naka MU mo?"

Kumunot ang noo ko.

"Huh? Sinong Gerald Vasquez naman 'yan?"

I don't even know what he's talking about and I don't recall having an acquaintance named Gerald Vasquez.

"Iyong sikat na artista dito. Bida do'n sa teleseryeng pinapanood ni Mommy at Daddy."

Nagkibit-balikat ako dahil hindi ko talaga kilala ang sinasabi niya. Even if I stayed in New Jersey for years, nanonood parin ako ng mga palabas na Tagalog at minsan news din sa CNN Philippines. But I don't really give time searching infos about celebrities maliban nalang kung may career sa Theater at baka makilala ko pa.

"I really don't know him, Kuya. Tatawag nalang ako pagdating ko. I'm boarding now." I said and stood up from the bench.

"Hay naku. Pagka uwi mo talaga dito, kukurutin kita sa pisngi!"

Tumawa lang ako pero napasimangot din ng pagbabaan ako ni Kuya ng tawag. Umismid ako at tumulak na ng mag-isa papunta sa loob ng boarding area.

I wore off my sunglasses as I saw my parents waiting for me in the arrival area. Ngunit dahil sa mga media reporter na nag abang nang hindi ko inaasam ay naudlot ang paglapit ko kina Mommy.

"Ms. Tanya, totoo po ba ang balitang break na kayo ng business magnate na si Mr. Benz St. Kox?" bungad ng babaeng tv reporter.

"Pero ang sabi po ni Mr. Stefano Burchner e engage ka raw po sa kanya Ms. Tanya kaya po wala na kayo ni Mr. St. Kox? Totoo po ba 'yon?" tanong naman nong isa.

With All MightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon