Chapter 333

422K 24.6K 62.6K
                                    

A/N: Wazzup? Tagal no? Ako din nainip.

By the way, a reminder to everyone. May nagsabi sakin na may gumagaya daw kay Jay-jay at lagi na din nagmumura.

Please! Don't!

Walang Keifer na hahalik sa inyo. Nanay na sasampal meron.




Home

Jay-jay's POV

"Jay-jay." Tawag ng kung sino. "Gising na."

Pilit kong dinilat ang mga mata ko at ang bukas na bintana ang bumungad sakin. Madilim pa rin sa labas, kaya hindi ko maintindihan kung bakit ginigising na nila ko.

"Bangon na. Papanoodin natin ang sunrise." Excited na sabi ni Ci-N. "Tapos uuwi na tayo."

Oo nga pala.

Bago kami pumasok sa loob para matulog, napag-usapan na panoorin ang pagsikat ng araw bago kami umuwi. Lahat kami pumayag dahil baka matagalan pa ang susunod na outing namin.

Pinilit ko ang sarili kong bumangod. Bumungad si Kei—kwanan na nagpupunas ng muka gamit ang twalya.

Dito siya natulog?

"Bangon ka na! Gigisingin ko ang iba." Nakangiting sabi ni Ci bago lumabas ng kwarto.

Bumangon naman ako kagaya ng utos niya. Tinignan ko ng masama ang Hari ng mga Ulupong. Inosente siyang nagtaas ng kilay sakin.

"Dito ka natulog?" May halong pagbabanta ang boses ko.

"No. Dito lang ako naghilamos." Sagot niya na nagpahinahon naman sakin.

Agad akong tumayo para makapag-ayos na. Ni-lock ko agad ang pinto ng banyo pagpasok ko. Ako naman ang naghilamos at nag-ayos. Nagpalit na din ako ng damit.

Sandali kong tinitigan ang mga natitira pang damit. Paano kaya ang mga to kapag umalis na kami? Wala namang ibang tao dito sa isla kaya walang gagamit nito o pwedeng pagbigyan.

Iuwi ko kaya?

Matapos mag-ayos lumabas na ko ng banyo at kwarto. Abala ako sa pag-iipit ng buhok habang pababa ng hagdan. Nagkakagulo ang mga Ulupong. Minamadali na nila Felix, David, Eman at Yuri ang iba. Si Ci-N naman labas-masok sa pinto at halatang excited na excited.

"Dali na! May liwanag na ang langit!" Gigil na sabi ng Batang Kumag.

Pupungas-pungas si Kit habang pilit ginigising si Mayo na nasa tabi niya. Si Eren naman cellphone agad ang hinanap. Si Blaster binalak pang bumalik sa pagtulog pero hinampas siya ni Eman ng unan. Nakabangon na si Drew na nakipag-unahan kay Josh sa banyo.

"Pwede bang magkape muna?" Tanong ni Calix pagkatapos mag-inat.

"Mamaya na. Maghimalos na kayo, bilis!" Pagmamadali ni Eman.

Napilitan ang lahat na bumangon na at pumila papunta sa banyo. Ang iba sa taas nagpunta, si Kit hinatak ni Eren papunta sa likod kung saan may gripo. Sumunod naman sa kanila si Mayo at Denzel.

"Good morning." Bati sakin ni Yuri habang nakangiti.

"Good morning din. Natulog pa ba kayo?" Tanong sa kaniya.

Late na rin kami bumalik sa bahay para matulog. Tapos ang iba sa kanila naiwan pa para tapusin ang kwentuhan at ubusin ang natitirang alak.

"3 hours. Then I woke up because of Ci-N." Sagot niya at naghikab.

Ang Mutya ng Section E (Part Three) The Final BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon