Chapter 334

400K 21.1K 31.2K
                                    

Back Home

Jay-jay's POV

Natatakot akong pumasok ng bahay. Pakiramdam ko nag-aabang na sa pinto si kamatayan, hawak ang kalawit niya. Tapos biglang bubulong ng 'Welcome Home'.

Ay putcha! Hindi ko yata kakayanin.

"Gusto—?"

"KAMATAYAN!" Sigaw ko na pumutol sa sasabihin ni Yuri.

Sabay sila ni Keifer na tumingin sakin na para bang isa akong baliw. Alanganin ngiti at ngiwi ang naging sagot ko.

"Look, kung natatakot ka kay Angelo sasamahan kita sa loob." Prisinta ng Hari ng mga Ulupong.

"That's what I'm about to say." Sabi ni Yuri.

Palihim kong kinagat ang labi ko. Kung tutuusin dapat kanina pa sila naka-uwi. Kayalang ayaw nilang umalis hanggat hindi nila nasisiguro na magiging okay ako sa kamay ni Kuya Angelo.

Hindi mangyayari yon.

Sinilip ko ang cellphone ko ng marinig ko ang pagdating ng text message. Lalu akong kinabahan ng makita kong galing yon kay Kuya yon.

From: Kuya Angelo
Message: Alvin said your whole section is absent. Please...if you read my messages call me.

Sa pagkakataon na to alam kong nag-aalala na siya. Mabilis akong nakaramdam ng konsensya. Mas sanay ako kapag galit siya dahil sa mga kalokohan ko, hindi ganitong nag-aalala siya sakin.

Hindi ko siya tinawagan kagaya ng gusto niya pero nagpadala ako ng text message na pauwi na ko ng bahay. Huminga pa ko ng malalim bago pindutin ang send.

Sandali kong tinignan ang gate ng bahay bago harapin sila Yuri at Keifer.

"O-okay na. Papasok na ko sa bahay." Sabi ko sa kanila at tumango naman sila.

Binuksan ko ang pinto ng kotse pero bago pa man ako makalabas nauna na sila bumaba sakin.

"We'll wait here for a while incase something happens." Sabi ni Keifer.

Tumango nalang ako at naglakad na palapit sa gate ng bahay. Sandali ko pa sila nilingon bago ako tuluyang pumasok. Dahan-dahan pa ang bawat hakbang ko bago makapasok sa pinto ng bahay.

Si Tita Gema ang una kong nakita na nakaupo sa sofa at halatang balisa.

"T-tita." Mahinang tawag ko sa kaniya at agad siyang lumingon.

"Jay-jay!" Sigaw niya at mabilis na tumayo para salubungin ako ng yakap. "Saan ka galing? Pinag-alala mo kami."

Yumakap din ako sa kaniya ng mahigpit. Akala ko galit pa rin siya sakin. Kahit papano nabawasan ang takot ko.

"Wag mo na uulitin yon. Baka patayin kami ng Mama mo kapag nalaman niyang nawala ka." Biro niya at bahagyang ngumiti.

Pero mabilis nawala ang ngiti niya ng makita niya ang pumasok sa pinto. Nilingon ko yon at bahagyang nakayukong si Keifer ang bumungad sakin.

"Good morning—."

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil sa malakas na sampal ni Tita Gema. Natakpan ko ang bibig ko dahil sa gulat.

"Ang kapal ng muka mo!" Isa pang sampal ang binigay niya. "Anong ginawa mo sa pamangkin ko?!"

Agad akong lumapit para pigilan siya pero nakahawak na ang dalawang kamay niya sa damit ni Keifer.

"Tita... W-wala siyang ginawa." Sabi ko pero parang wala siyang naririnig.

Ang Mutya ng Section E (Part Three) The Final BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon