Chapter 335

514K 23.4K 36.4K
                                    

A/N:
Happy Birthday
🎂Nicole
🥳Joana Marie
🎁Amidala Bernante
🍨Danica
🎊Gea



Red

Jay-jay's POV

"Ang tagal!" Parinig ni Aries mula sa pinto ng kwarto ko.

"Eto na, tapos na." Inis na sagot ko.

Tumalikod na siya at nauna ng maglakad palabas. Nakasimangot akong sumunod sa kaniya.

Kung hindi lang niya ko pinagbuksan ng gate kagabi, kanina ko pa siya sinagot-sagot. Hindi ko nga lang alam kung naniwala siya sa dinahilan kong bumili ako sa labas ng walang nakaka-alam kaya ako nasaraduhan.

Sinermunan lang niya ko na hindi safe ang ginawa ko. Wag ko din daw kalimutan na may nagtatangka pa rin sa buhay ko. Umo-o nalang ako para hindi na humaba pa.

Nasalubong ko si Tita na may dalang tasa ng kape nang makarating ako sa sala. Ngumiti siya sakin bago ibaba ang tasa at sinalubong ako ng yakap. Agad ko namang tinanggap yon.

"Mag-ingat ka ha? Ite-text mo lagi ang Kuya Angelo at si Aries kapag may pupuntahan ka." Bilin niya at ngumiti ako.

"Opo."

Bumitaw siya ng yakap at inayos ang buhok ko. "Baka pwede mo din akong ihingi ng tawad kay Keifer. Nadala lang ako ng galit at pag-aalala."

"Sige po. Alam ko naman pong maiintindihan niya yon." Sagot ko at ngumiti siya.

Nag-paalam na ko sa kaniya dahil alam kong salubong na ang kilay ng kapatid ko habang naghihintay sakin.

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Tita. Buong akala ko talaga masama na ang loob niya kay Keifer at iba din ang iniisip niya na ginawa sakin ng mokong sa isla.

Wala siyang ginawa. Wala.

Pagsakay ko sa kotse ng kapatid ko. Muntik na kong mapatalon ng makita ko ang kunot niyang noo.

"Sa likod ka. Susunduin natin si Ella." Utos niya.

"Bakit? Wala ba siyang paa para maglakad papasok?" Inis na tanong ko.

Nanlisik ang mata niya sa galit kaya dali-dali akong lumabas ng kotse at lumipat sa likod. Sunod-sunod ang pag-irap ko sa kaniya dahil sa inis. Kung may kakayahan lang sana akong magsumpa, isusumpa ko sila ni Ella.

Magsara sana butas ng pwet nila.

Tahimik ako buong byahe hanggang sa marating namin ang bahay ng jowa niyang hilaw. Napangiwi nalang ako ng humalimuyak ang amoy ng pabango niya. Pag-upo niya agad siyang humalik sa pisngi ni Aries.

Eww.

"Good morning Jay." Pilit na bati niya sakin.

"Good morning." Walang buhay kong sagot.

"Bakit wala ang buong section niyo kahapon?" Tanong niya sakin at kulang nalang tumaas ang kilay ko.

"Nag-outing kami." binigyan ako ni Keifer ng isla. Ha. Ha. Mainggit ka.

"Monday na Monday tsaka niyo naisipang mag-outing."

Dinig ko ang bahagyang pag-ubo ni Aries. Nagsalubong ang tingin namin sa rearview mirror at para bang binabalaan niya ko na wag magsimula ng away.

Napairap ako. "Weekend talaga. Hindi lang kami nakabalik agad."

"I see." Sagot niya at wala ng nagsalita pa samin.

Ang Mutya ng Section E (Part Three) The Final BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon