44

19 0 0
                                    

Shin's POV

Alex was immediately rushed to the operating room habang naka abang kaming lahat sa labas. Hindi nila ako madala sa emergency room para gamutin ako kaya they had no choice to treat me at the hall.

They were all talking to me but I couldn't understand a single thing they're saying.

I just want Alex to be okay, that's all I want.

Hours had passed since Alex entered the emergency room pero wala man lang kaming update sa nangyayari sa loob at sa lagay niya.

"Shin, you need anything? Come on let me take you to your room. You should rest," kuya Jin said but I just looked at him then continued on looking somewhere else.

"Come with me, I'll take you somewhere," mahinang bulong sa'kin ni Kris at inalalayan akong tumayo.

I looked at him for answers kung saan niya ako dadalhin but he just smiled and kissed me at my temple like it was all going to take them all away.

How I wish it could.

Dinala ako ni Kris sa chapel ng hospital and I smiled and laughed a little.

"Why did you bring me here?" tanong ko sa kanya at umupo naman siya sa tabi ko at sumunod naman ako sa kanya.

"I don't know, maybe talking to him would help," mahina niyang sabi at tumingin sa altar.

Ngumiti ako at humarap din sa altar, sa mga poon. Sa mga kahoy na binihisan at niluluhuran ng mga tao.

"I'm not his biggest fan, you know? I barely believed in him," panimula ko at namuo naman kaagad ang luha sa mata ko.

"Hindi ako lumalapit sa kanya kapag may problema ako, I don't thank him for every meal that I eat, for every morning that I wake up, I actually forgot about him. Kasi para sa'kin hindi naman siya totoo, hindi siya importante sa buhay ko, para sa'kin wala naman siyang naitulong sa buhay ko eh, kasi lahat ng meron ako ngayon pinaghirapan ko lahat, tinrabaho ko lahat," mahina kong sabi at hinagod naman ni Kris ang likod ko.

"So please pray for Alex," sabi ko kay Kris at nilingon siya at nginitian.

Kumunot naman ang noo niya bago ako sagutin "What do you mean?" naguguluhan naman niyang tanong sa akin.

"I'm probably the least favorite, you know? The most resented child, so it will probably do nothing kapag ako ang nagdasal sa kanya para kay Alex. Mahina ako sa dyos niyo eh," natatawa kong sabi habang tumutulo ang luha ako at agad naman itong pinunasan ni Kris.

"I love you," mahina at paulit ulit niyang sabi habang hinahalikan ako pero wala na akong ibang maramdaman.

Sobrang namamanhid na ang buong katawan ko, even emotionally wala akong maramdaman.

Natahimik na kami ni Kris at matagal lang na nakaupo.

Please, please save Alex. Take me instead, but not Alex. Not like this.

-

Maya-maya pa ay bumalik na kami ni Kris para samahan sina kuya and the looks on their faces just made everything worse.

"Still there?" tanong ko at tumango naman sila sa'kin at bumalik na naman ako sa pagtingin sa kawalan.

I made Kris believe that I felt a little bit better para lang makabalik na kami rito pero sa totoo lang wala naman nagbago, ganon pa rin, ang hirap at bigat pa rin.

Bigla na lang sumulpot si Brigitte sa harapan ko, isa pa 'to, iiwan na rin ako nito eh. Halatang halata na sa kilos at itsura, pagod na rin.

"Doc, kamusta kaibigan namin?" bungad ko sa doctor ni Alex pagkalabas na pagkalabas niya ng O.R.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon