Chapter 18 - Karma Is Real

45 19 13
                                    

Zyra's POV

Pagkatapos kumain ay sabay kaming tumayo at umalis.

Inirapan ko siya at dumiretso na ako sa Supermarket.

Grabe naman kasi. Ang daming pinabibili sa akin ni Mama.

Tiningnan ko ang listahan ng bibilhin.

List to buy: Soysauce, Patis, Vinegar, Sugar and list went on.

Nakalimutan yata ng aking magaling na ina na mag-isa lang ako at magco-commute pa ako, 'di ba? E, ang dami nitong pinabibili niya.

Ano ba iyan!

Kinuha ko na ang cart at nagsimulang mamili.

Nakakapagod mag=grocery, lalo na 'pag mag-isa ka lang.

After 45 minutes of going around the area and looking for the things to buy, I fell in line.

Medyo mahaba ang pila sa mga counters dahil marahil weekend.

Habang naghihintay sa pila ay hinanap ko ang cellphone ko sa bag na nakapatong sa cart.

I checked my phone and I had three messages.

From Denise:

Bruh, may imemeet-up akong boylet tomorrow. Simba raw kami. Wish me luck!

From Jacky:

Good morning, bakla! May assignment ba tayo?

From Javier:

Hey. Kamusta po? :) Namiss talaga kita.

Napangiti ako sa nabasa ko. Syempre, dahil may pagkamalanding slight ako, si Javier ang nireplayan ko.

I started to type.

To Javier:

Okay lang naman ako. Namiss din kita. :)

I giggled after sending the message.

Actually, naging crush ko si Javier noong Grade 11 kami. Bukod kasi sa matalino, ang cute-cute at ang bait-bait pa niya. Idagdag mo pa 'yung dimple niya na ang sarap-sarap pagmasdan tuwing nangiti siya.

Tumunog na naman ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung sino ang nagtext.

From Javier:

Free ka ba tomorrow?

Naks! Was he asking me out? I smiled at the thought. I've known him for almost one year and we've been good friends ever since.

To Javier:

Yes I am. Why?

Wala pang isang minuto ay nagreply na agad siya.

From Javier:

Simba tayo bukas. Okay lang?

Napangiti na naman ako.

To be honest, hindi talaga ako palasimba tuwing linggo. Pero kung siya ang kasama ko, e 'di go! Kahit masunog pa ako sa simbahan.

Magta-type na sana ako nang biglang may umagaw sa cellphone ko!

I gasped.

Hinanap ko ang salarin.

At nagsalubong ang kilay ko sa nakita ko.

Nasa likod ko lang pala ang suspek.

Anak ng tokwa't baboy naman, oh!

Siya na naman?!

"Hey. Give it back!" Nanggigigil na hayag ko.

"No." The corners of his mouth quirked upward.

I HATE LOVE (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon