Chapter 13

16K 1K 332
                                    

Alliston

I am infront of Calvry's building. Apparently, Grant gave me bodyguards to ensure my safety and security.

It's been a week since Louella and I had that not-so-good dinner. After kasi nitong malaman yung panabla ko sa hawak nya ay halatang nawalan na din ito ng gana kumain.

Halos tatlo at kalahating oras kami nagdinner pero wala namang napag-usapan na matino. Louella is unusually quiet during that dinner. Sobrang behave at tahimik nito. Kung hindi pa nga ako nagsneeze dahil sa lamig ay hindi pa nya ako kakausapin.

And her words were just, I told you to dress decently. Akala ko nga ay manglalait pa ito pero surprisingly, she didn't. She just gave me her coat. Pagkatapos ay inihatid ako sa mismong sasakyan ni Grant after ng dinner kahit pa grabe yung dumog samin ng tao at Press. Nung tinanong ako ni Hariette at Grant kung ano nangyari after ng dinner, I just covered up to keep her secret.

Kaya din ako lalong nabwisit dito kasi hindi ko nakuha yung reaksyon na gusto ko sa kanya. Dapat nataranta din sya na alam ko na yung kahinaan nya. The same way I've felt when she found out mine. Pero sa ginagawa nito, nagdadalawang isip tuloy ako kung may epekto pa ba dito kung sakaling gumanti din ako at sirain yung buhay ng babaeng iyon at ni Kiel.

Louella just played it cool. Kung naapektuhan man sya na alam ko yung sikreto nya, I had no idea. She's good at hiding her emotions. But I knew her too, for sure na apektado ito. Her silence screams her inner pains.

Pero part of me ay nagiguilty din sa sinabi ko. I don't know how it felt to have unrequited love. Kahit hindi naging maganda yung relasyon namin ni Kyeroh, at least he acknowledged me and my feelings.

Is that what makes you cold-hearted, sadistic and merciless bitch, Pooper bear? Kaya ba naging ganyan ka katigas?

So after battling internally, I finally give in. I have given her enough time to dwell with her wounded ego. It's about time we proceed with our game.

Habang tumatagal, lalo akong nahihirapan mag explain sa parents ko. Even Jen is hating me for what I did. Tapos Hariette is off the hook na din because she's really trying to pursue Candice. So again, I am left alone.

On my own. Again.

Louella needs my connection and I need her to shade me too from the harsh blow na pwedeng makasira sa pangalan ko. Sa mga kagaya namin, we can do anything and everything to save ourselves. Even dealing with the devil.

Besides Grant is right, I need to keep my enemies close. The closer, the better.

"Miss Parker, we've got an order po that you are not allowed to enter the building. Please step aside."

Bago pa ako makapasok ng building ay hinarang na ako agad ng security. Tatlong naglalakihang lalaki na nakablack suit ang pumigil sakin.

"What?!" I exclaimed.

Holy crap! Bakit nakaban ako? Anong drama ito?

Nang mapansin na nakakaagaw na ako ng atensyon ng mga tao sa paligid ay nagdadabog na bumalik ako sa sasakyan. A car courtesy of Grant. She's the one lending me cars now.

I tried calling Louella's number pero nag-auto drop lang yung call ko. Nakablock yata ako.

Letseng babae iyon! Natatakot na siguro sya ngayon sakin kaya ganyan yan. Run, Pooper Bear! Run! Dahil kapag nahuli kita, matatalo ka. Panigurado!

I started typing at my phone. There's only one way to corner a scared rat.

Syempre mag-ingay! Tingnan ko lang talaga!

Taming AllistonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon