Chapter 18

190K 8.9K 7.7K
                                    

"USAP TAYO."


Nakatitig lang ako sa kanya habang nakatayo siya sa tapat ng gate namin. Kaya pala siya hindi nagrereply, papunta na pala siya rito.


"A-anong ginagawa mo rito?" nauutal kong tanong nang mahanap ko ang boses ko. Pero hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.


Inilagay niya ang hawak na phone sa bulsa ng suot niyang black hooded jacket saka siya sumampa sa grill gate namin. Pagbaba niya sa lapag ay lumapit siya sa akin.


"Alam ko namang galit ka, pinalipas ko lang muna. Pwede na ba akong magpaliwanag ngayon?"


Nag-iwas ako ng paningin. "Ano namang ipapaliwanag mo?"


"Iyong sinabi ni Zandra kanina..."


"Ha? Ano bang sinabi niya? Wala naman, ah." Para akong tanga na nagkakaila.


"Sussie..." mahinahon niyang tawag sa akin para tumingin ako sa kanya.


"Gabi na pumunta ka pa? Anong oras na, o." Tumingin ako kunwari sa relo ko sa kamay para magcheck ng oras kasi wala pala akong suot na relo. Nakakahiya!


Pagbalik ng paningin ko sa kanya ay nagingiti siya.


"Anong nginingiti-ngiti mo?!" gigil na sita ko.


"Happy lang."


"Bat ka naman happy?!"


"Kasi nasilayan kita ngayon."


"Didiga pa, babaero naman," bulong ko.


"Hoy narinig ko iyon!"


"So? Di ba totoo naman?"


Napakamot siya ng ulo. "Bakit ako babaero? Dalawa lang naman babae sa buhay ko?"


Aba, proud pa? Siguro si Zandra iyong isa sa babae niya tapos ako iyong isa. Ako iyong last priority. Ako iyong past time habang hindi pa sila nagka-Canada!


"Ano na namang iniisip mo, ha?"


"Babaero ka talaga. Kailangan talaga dalawa babae mo? Wow, ha? Napakaguwapo mo naman po!"


"Oo naman."


Sinamaan ko siya ng tingin. "Umuwi ka na."


"Oo guwapo ako. Pero iyong sa dalawa kong babae? Ikaw lang iyon saka mama ko."


"Si Zandra?"


"Hindi ko nga siya GF. Wala rin akong balak syotain iyon. E di sana kung meron man, sana noon pa, di ba? Nakita mo naman na kahit anong dikit niya, kahit noong wala ka pa at kahit hindi ako sure na babalik ka pa, hindi ko pa rin siya pinatulan."

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon