Chapter 5

335 29 4
                                    

Gabb's PoV

"Ate Sheki!" Tawag ko sakanya habang nakataas kamay ko para makita niya ako.

"Kanina ka pa dito Gabb?" Tanong niya.

"Ah hindi naman po. Kakarating ko lang." Sagot ko naman.

"Ah sige sige. Tara na?" Aya niya kaya tumango nalang ako at pumasok na kami sa kotse ko at sinimulan na ang pagmaneho.

We're planning to go to the resort where gaganapin ang reunion para macheck kung ano pa ang pwede maitulong sa preparations. Tatapusin muna daw nila Ate Sela ang invitations and then aasikasuhin na nila ang pagdesign ng venue.

"Baka dumating bukas sila Gia at Ella. Nagtext saakin si Gia na preparing for the flight na sila." Pagbasag ni Ate Sheki ng katahimikan.

Tumango naman ako habang focused pa rin sa pagmaneho.

"Si Ate Dana? Kailan po siya dadating?" Tanong ko.

"Hindi ko alam Gabbo. Baka next week pa siya kasi busy pa sa kumpanya niya sa New York. Hindi pa nagcoconfirm kung kailan uuwi. Pagalitan mo nga yun, di na nagpaparamdam kahit sa groupchat! Nagtatampo na kami nila Alice!" Sumbong niya na parang bata.

"Hayaan mo na yun Ate. Baka hinahanda pa niya sarili niya kasi makikita niya ulit si Ate Jem." Sagot ko naman.

" Ay oo nga no. Magkikita ulit ang mag-ex! I'm so excited na! Baka through this reunion magcomeback sila!"

"Or maybe they'll have a proper closure. They both need it para magkaintindihan na silang dalawa." Pangdagdag ko sa sinabi ni Ate Sheki.

Totoo naman ah. They need that closure para parehas na silang makamove-on. Laging sinasabi na nagclosure na sila pero di naman pala matino.

"Pustahan tayo Gabb. 10k kung comeback ang kalalabasan." Nakangising paghamon saakin ni Ate Sheki

"Sure ka dyan Ate? Baka talo ka in the end." Asar ko pabalik.

"Dali na Skribikin! Pustahan tayo!"

"Fine fine. Confident naman ako na closure kailangan nila hindi comeback."

Hininto ko na ang kotse dahil andito na kami sa resort. Bumaba na kami at sinalubong ng head staff.

"Good morning po Boss!" Bati saakin.

"Morning. Nalinisan na ba ang hall?"

"Opo nagpunas at mop na po kami and inayos na po ang mga upuan at tables."

"Good good. Thank you. Punta kami doon ah?"

"Sige po Boss. Maiwan ko na ho kayo dito."

Nginitian ko nalang ito at hinila na si Ate Sheki papunta sa hall.

"Oh okay na ba 'to na hall Ate?" Tanong ko kay Ate Sheki.

"Sobrang okay Gabb. Malawak lawak kaya perfect na itong venue. Picturan ko lang tapos send ko kay Sela." Paalam niya saka lumibot sa loob ng hall para magpicture.

Umupo muna ako at nagsimula magscroll sa socmed.

"Dumating na pala sila Ate Lara at Brei dito sa Manila." Mahinang sigaw kay Ate Sheki.

"Talaga?? Kailan pa?"

"Kakarating lang ata. Kakapost palang nila sa ig eh."

Nagpatuloy lang ako sa pagscroll nang biglang pumasok ang isa sa mga staff.

String Of FateWhere stories live. Discover now