Chapter 17

3.5K 91 16
                                    

CHAPTER 17

Nahiya ako ng masyado akong naging emosyonal kanina. Sumunod naman kami sa labas pagkatapos. Wala kaming kibuan habang naglalakad palabas pero ayaw niyang bitawan ang bewang ko sa pagkahapit.

"Wow! Mabuti naman at naisipan niyong sumunod." asar ng babaita pagkakita sa amin.

Nagsu-surfboarding ang tatlo nang maabutan namin. Si Vanessa naman ay mukhang tagacheer lang sa mga lalaki.

Wala kaming ginawa kundi pagurin ang aming mga sarili sa kakasubok ng mga iba't- ibang activity rito. Though, hindi na bago sa amin ito, pero iba pa rin kapag sinubukan namin dito. Lalo na't first time namin makapunta sa Islang ito.

We were so amazed by the beautiful and astounding coral reefs. Hindi namin nakalimutang kumuha ng litrato sa bawat ginagawa namin. Dahil din sobrang enjoy kami nawala na sa isip ko ang naging bungad na pangyayari sa akin kaninang umaga. And that's okay though.

Sumapit na ang gabi at nagdesisyon na kaming magpahinga na sa resthouse.

"Take a rest, love. I'll see you later." he then kissed my temple. I nodded saying the same thing to him.

"See you,"

Nagpalit muna ako ng white shirt and a cotton shorts. Nagpapahanda pa naman sila ng hapunan kaya makakaidlip pa ako.

Nang magising ay agad din akong bumaba.

"What's up?" Salubong ko kay Vanessa na nanunuod mag-isa sa may sala.

"Kain na tayo. Hinihintay ka namin." aniya saka ako hinila sa dining area.

"Ano 'yan meeting?" Takang tanong ko nang makita ang ayos nila. Mga nakapwesto na kasi sa kanya-kanyang upuan, mukhang may pinag uusapan bago kami dumating.

May mga nakahain na rin. Kaya nag umpisa na kaming lantakan ang mga nasa lamesa.

"How's your training pala, Cleine?" she asked.

"So far good naman. Bibigat nga lang after nito, pero tutulong naman sila." Sabay tingin ko sa dalawa na inatasan ni Dad na mag-assist sa akin.

"We'll talk later." Kibit balikat ng pinsan ko at nagpatuloy sa kain.

Hindi na ako nagulat ng pagkatapos kumain ay naglabas sila ng mga liquor. Magiinom sila sa may veranda dahil may mga nakaayos do'n na upuan at isang glass table.

Masarap ang ihip ng hangin dito, kitang-kita pa ang madilim na katubigan. Nakapaikot kami sa table at dahil anim lang naman kami ay nagkasya kami rito.

Nasa kanan ko si Jared habang sa kabila ay si Vanessa. Ganito madalas ang ayos naming lahat. Naghiyawan na sila nang buksan ang isang Bacardi. Shit!

"Just water or juice, love." Jared whispered while wrapping his hand around my waist.

Inabutan ako ng Juice ni Cloud, bago sila nagsimulang paikutin ang drinkware. Tinanong ko pa si Vanessa kung juice lang din ba ang kanya, pero nagmatapang at nakishot rin. Tatlong lagok pa lang 'ata ang ginawa at mukhang hilo na.

She has a low tolerance in alcohol! She must be drunk by now. Medyo nakayuko na siya sa table.

"Pwede ko na ba 'tong paakyatin?" Nagpaalam ako na iaakyat ko na siya dahil baka tuluyang mawala sa sarili ito. Namumula na ang kanyang mukha.

"Go, Cleine. Iakyat mo na 'yan." his brother uttered. "Ah, no. Let me help you na." wika niya at tumayo na.

Tumingin ako saglit kay Jared para humingi ng permiso. Tumango naman siya bilang sagot.

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon