Chapter 19

3.3K 92 38
                                    


CHAPTER 19

"Can't you do better? I said I need the copy of the report last week, asap. Not this one!" Tukoy ko sa maling photocopy na ibinigay niya sa akin.

Hindi ko mapigilan na hindi singhalan ang secretary ko dahil sa mali-maling bigay niya. It's been a week since we came back from Palawan. Mabibigat na rin ang training ko kaya mas dapat ko pa lalong pag-igihan. Hindi nakakatulong sa akin ang maya't-mayang mali na ginagawa nila, lalo na't masama pa ang pakiramdam ko ngayon.

Madalas na sumakit ang ulo ko. Noong isang araw ay naduduwal ako pagkagising. Natatakot ako na malaman na tama nga ang hinala ko na baka may laman ang tiyan ko.

Hindi ko magawang makapunta sa OB-gyne ko dahil baka masundan ako. Pansin ko pa naman ang pag buntot-buntot sa akin ni Jared.

"Ma'am namumutla po kayo. Magpahinga po muna kayo." ani ng aking sekretarya. Sumenyas lang ako ng okay at bumalik sa pagcheck ng report.

Mariin akong napakagat sa labi ng akmang maduduwal na naman ako. Oh! Please. Kailan ba 'to matitigil!

Nang umayos kaunti ang pakiramdam ko ay nagpaalam ako magearly out sa sekretarya ko.

"Go lang ma'am. Mukha nga po kayong may sakit kaya nag aalala ako kanina."

Tinapik ko ang balikat niya at ngumiti. "Thank you. Pasensya na kanina at nasusungitan kita."

"Naintindihan ko po ma'am Cleine. Wala po iyon. Trabaho lang." Tumango ako, aalis na sana nang bigla niya akong tawagin.

"Ay! Ma'am. Tumawag po si sir Jared at kinakamusta kayo." Lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Kailan pa tumawag at nangangamusta ang taong 'yon sa linya ng office ko.

"Nasabi ko rin po na mukhang masama ang pakiramdam ni'yo. Pasensya na po." Napahawak ako sa aking noo.

Nakakainis!

"No, it's okay. Hayaan mo na lang. Sige na aalis na ako."

Mabilis ang pagpapatakbo ko sa sasakyan dahil gusto ko nang magpahinga. Bumibigat lalo ang pakiramdam ko.

"Cleine, hija. Ang aga mo makauwi ngayon— saglit namumutla ka. Masama ba ang pakiramdam mo?" Salubong sa akin ni Manang at inalalayan ako papasok.

"I'm okay. Ipapahinga ko na lang po ito." Akmang paakyat na ako nang magsalita siya na mas lalo kong ikinatakot.

"Cleine, anak. Ikaw ba ay buntis?" Diretsahang sambit niya.

"M-manang naman...." Nag aalala siyang lumapit sa akin, hinila ako papunta sa kusina.

"Maupo ka muna. Papakainin kita."

Mariin akong umiling, "Hindi na po, Manang. Busog pa po ako."

"Hindi, kumain ka kahit kaunti. Nakaraang araw ko pa napapansin na parang lagi kang may sakit. Narinig kita sa kwarto mo na nagsuka isang beses."

Parang tinambol ang puso ko dahil sa mga narinig. Hindi pa man ako gumagamit ng PT ay may hinala na rin ako. Kahit kailan hindi siya gumamit ng proteksyon sa akin kaya duda ako sa kanya kada may nangyayari sa amin.

"M-manang. Sila mommy po?" Naglapag siya ng lasagna sa lamesa at nang maamoy ko ito ay parang naduduwal na naman ako.

Napatakip ako sa ilong para pigilan ang paglanghap ko ng amoy dito. Ang baho ng cheese sa lasagna.

"Wala sila dito. Baka mamaya pang gabi makakauwi— Ay! Nako, Anong masakit sa iyo?!"

Hindi ko na napigilan at mabigat akong napatayo papuntang lababo. Lahat 'ata nang kinain ko kanina ay nailabas ko rin.

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon