Chapter 59: Guarding her

40.1K 3.1K 1.7K
                                    

If you have twitter please include "Class Zero" in your tweets if you have an opinion and thoughts about the story. I'll be happy to read it.

No hashtag. Class Zero lang. ☺️

Enjoy reading!

KAKARATING lang namin sa Baguio at grabe! Awang-awa ako kay Kiryu dahil nakailang suka yata siya sa buong pag-akyat namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KAKARATING lang namin sa Baguio at grabe! Awang-awa ako kay Kiryu dahil nakailang suka yata siya sa buong pag-akyat namin. Ilang beses kaming huminto sa biyahe dahil sa kanya para lang mailabas niya ang lahat ng kanyang sama ng loob

"Ang ganda talaga dito sa Baguio!" Kiryu jumped out of the Van habang nakatingin sa mabundok na view dito sa Burnham park. Hindi talaga kumukupas ang Baguio, ang tagal na noong huling umakyat ako rito. "Jamie, picture-an mo naman ako!" he said.

"Kiryu, kailangan pa nating ilagay 'tong mga gamit sa hotel," paalala ko sa kanya at akmang isusukbit ko sa aking balikat ang aking duffle bag pero bigla itong inagaw sa akin ni Seven at siya ang nagbitbit.

"Oh ayan na! To the rescue na si Pinunong Pito!" He cheerfully said tapos ngumuya na naman ng potchi. Hindi na ako magugulat kung one day, nakapustiso na lang 'tong si Kiryu. Ang hilig kumain ng matamis.

"Bakit hindi ka na lang kay Ace magpa-picture, may camera siya oh." kinuha ko ang kanyang cellphone.

"Ayoko, maganda lang camera ni Ace pero pangit naman kumuha 'yan.

"Anong sinabi mo lalaking may bulok na ngipin!?" Narinig pala ni Ace ang aming pinag-uusapan.

"Walang bulok ang ngipin ko lalaking pinaglihi sa meralco!" Ganti ni Kiryu.

Napailing na lang ako sa senaryo. Bakit ba kasi ako lang ang nag-iisang babae sa misyon na ito? I mean pinagsama-sama ni sir sa iisang misyon si Bugnutin na si Seven tapos ang tatlong super hyper sa class zero na sina Kiryu, Ace, at Teddy. Hindi ko na lang talaga alam ang mangyayari sa misyon na ito.

"Get your things, pumunta na tayo sa Azalea Hotel," utos sa amin ni Seven kung kaya't napatigil sa pagtatalo ang dalawa. "Tandaan ninyo, hindi tayo nandito para maglaro at magbakasyon. May misyon tayo na dapat gawin at iyon ay bantayan si Megan Dela Fuente."

As expected sa aming lima na nandito ay si Seven ang pinakaseryoso sa misyon. Naiintindihan ko naman siya, ayaw niya lang na maulit ang masamang pangyayari noon. Natuto na kami, we are stronger at sisiguraduhin kong kaya na naming labanan ang Black Organization sa pagkakataong ito.

"Tangina, sumakit ang likod ko sa pagmamaneho. P're magpapahinga muna ako saglit sa hotel kung sakali." Hirit ni Teddy.

"No." sagot ni Seven sa kanya.

"5 Minutes lang!"

"No."

"Tangina sabi ko nga hindi."

We reached the Azalea Hotel at manghang-mangha talaga ako sa lugar na ito. Noong bata ako ay nakikita ko lang 'tong hotel na ito tuwing pumupunta ako sa Burnham Park pero hindi ko na-imagine na makakapag-check-in ako ngayon sa hotel na ito.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon