CHAPTER 14 [I'm Back Motherf*ckers!]

1K 142 44
                                    

CHAPTER 14
(I’m Back Motherf*ckers!)

(A/N: Before you read this chapter please download or listen SECRETS BY: ONEREPUBLIC when It comes to MAXXIMO’S POV.)


***

YURIKO.

Luluhod ka sa harapan ko at magmamakaawa para sa anak mo.”

Nabigla kaming lahat sa sinabi nito, anong kalokohan ito? Hinawakan ko si papa sa braso niya at nagsimula na akong umiyak na naman.

“Pa please wag mong gawin ito para sa’kin.” Umiiyak na sabi ko sa kanya.

Nangako ako na gagawin ko lahat para sa kapakanan ninyo.” ngumiti ito sa’kin.

“Pa please, pa wag mong gawin ito!!”

Tinanggal niya yung pagkakahawak ko sa braso nito at lumuhod sa harapan ni misis Valencio, tagos sa puso ko yung ginawang sakripisyo ni papa sa’kin, ibinaba niya ang pagkatao niya para sa kapakanan ng anak niya. Hindi ko mapigilang hindi humagulgol ng iyak habang nakikita ko ang papa ko na nakaluhod at nagmamakaawa sa kanila.

Nagmamakaawa ako sa inyo, wag ninyo tanggalin ang anak ko, patawarin ninyo siya, Ernesto patawad sa nagawa ng anak ko, nagmamakaawa ko, patawad, patawarin ninyo siya.”

Umiiyak ang papa ko habang nagmamakaawa sa kanilang dalawa, bakas sa ngiti ng mag-ina na nanalo sila sa ginawa nila.

Maawa na kayo, patawarin ninyo ang anak ko.”

Napatingin ako sa paligid, lahat sila ay hindi kayang makita ang nangyayari ngayon, lahat sila ay walang magawa kapag ang kaharap nila ay ang mga Valencio, nakatayo lang ako sa likuran ng papa ko habang umiiyak at pinagmamasdan lang siya habang nagmamakaawa sa mag-inang ito, narinig ko si misis Valencio na tumawa ito ng mahina at mukhang nag-eenjoy siya na makita ang papa ko ng ganito.

“Pa tama na yan.” hinatak ko si papa para makabangon ngunit ayaw pa rin nitong umalis sa pagkakaluhod niya, kita ko pa rin ang pag-agos ng luha ni papa habang humihingi siya ng kapatawaran kay misis Valencio.

“Tama na yan, masyado ka ng nakakaawa.” sabi naman ni misis Valencio.

“Pa tara na bumangon ka na dyan.” inalalayan ko naman si papa makabangon, bumalik muli sa tabi ni Erna ang mama niya habang nagbubulungan ito. Kinausap muli niya ang principal.

“Principal Enrique, sapat na ba ang tatlong linggo para palagpasin namin ang ginawa ng batang ito. Three weeks suspension kapalit ng pagluhod at pagmamakaawa ng papa nito.”

Nagpipigil ng tawa si Erna habang nakatingin sa’kin, nagulat na lang ako bigla nung nagsalita si papa at hindi sumang-ayon ito para sa three weeks suspension ko.

“Three weeks? Masyadong matagal iyon, grabe ka naman misis Valencio.”

SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon