Kabanata 24

185 9 3
                                    


Minute

"It's all over the news." Gunner said while driving.

Kahit hindi niya sabihin sa akin ay alam kong nadamay rin siya. Whenever we talk about it, it is always been me. Laging ako, hindi alintana ang sasabihin ng kanyang magulang.

I expected this to happen... but no idea that it's too soon.

Well siguro... wala siyang gaanong pakialam dahil matatakpan ang pangalan niya dahil sa kapangyarihan ng kanyang pamilya. I know it's possible.

It's not really hitting two birds with one stone. Si Delgado at Salvador ay hindi nila alam ang kinakalaban nila.

"S'an tayo pupunta?" tanong ko.

"Somewhere,"

Wala pa akong naririnig na lugar na ang pangalan ay somewhere.

Bumaling ako kay Russel na nasa likod. Takot, pagtataka at kaba ang nasa ekspresyon niya.

"Lilipat lang tayo ng lugar." senyas ko, para naman mapagaan ang damdamin niya. With his condition, everything is sensitive.

Sinubukan niyang ngumiti at tumango.

"Masyado naman atang maraming baril ang kinuha mo. Ayokong madagdagan ang kaso ko Major."

"Hindi ikaw ang babaril."

Tumingin ako sa labas ng bintana.

"Bakit ngayon pa nangyari? Malapit na ang military leave ko." bulong ko.

"Military leave? Razo this will be your military leave."

More like an escape leave.

"S'an tayo pupunta, sa beach? Titira ba tayo sa mall? God mall... gusto kong makapunta ng mall."

For civilians... it is just mall. Hell puwede kang pumunta araw-araw at magsawa. But me? Razo Scout Lureano? I always want to go to mall.

Hindi ako pinansin ni Ferrano at dire-diretso ang pagmamaneho. Wala ang kanang side mirror, sigurado din akong madaming bakas ng bala ng baril ang sasakyan.

And who is Ragnar?

"Gunner... makakasuhan ka rin ba kagaya ko?"

The answer is definitely yes.

Tinulungan niya ang isang 'espiya', tinulungan niya itong tumakas, pinatira niya ito sa bahay niya, meron siyang mataas na ranggo, puwede nilang sabihin na ginagamit niya ito. But that's not how you defined a Ferrano so the last thought is not... accurate.

Pinabayaan niyang lumutang sa ere ang tanong ko.

Makalipas ang halos isang oras niyang pagmamaneho, kita ko ang paghampas ng mga alon sa mga bato.

Beach?

Does Gunner owned an island?

Tumigil siya sa isang resort. We are on beach.

Bumaba siya maging ako para kunin ang mga gamit. Bitbit niya ang travel bag ni Russel, ang kanyang military bag, ang bag kung saan ang mga baril niya at ang tanging hawak ko lang ay ang travel bag ko.

Nagsuot ng aviators si Gunner. His camouflage sleeves were rolled to his elbow. The sun and wind hits him like a straight from Hollywood.

Siguro may mga makakakilala sa kanya kaya siya nagsuot n'on. Maybe women.

Pareho namin siyang sinundan ni Russel, hindi man lang siya tumingin pakaliwa o pakanan, dire-diretso ang kanyang lakad hindi alintana ang tingin sa kanya.

Paralyzed Euphoria (Completed)Where stories live. Discover now