Kabanata 42

223 10 3
                                    


Dreams

Nanghihina ako sa kawalan ng tulog. Hindi ako makatulog dahil iniisip ko ang pangatlo, ang panghuling pagdinig. Paano kung natalo ako? Paano kung hindi ito umayon sa plano? Paano kung tuluyan na akong makulong? And why did they include a murder?

Dalawang araw naman ngayon ang nakalipas pagkatapos ng pangalawang pagdinig. And Gunner... he didn't visit me, si Mosa lang at si Rylan.

Pinigilan ko ang aking sarili na isipin kung bakit wala si Gunner. Pinakinggan niya ba ang sinabi ni Delgado? Hindi niya pa rin ba ako pinagkakatiwalaan tulad ng dati?

Why he didn't visit me?

Pumasok ang guwardiyang nagdadala ng pagkain--kung matuturing man itong pagkain. I don't know what's with them? Why treat me like this? Hindi pa ako nasisintensiyahan pero tinuturing na nila akong preso. Sigurado akong may kinalaman dito sila Delgado.

"Hindi ako magrereklamo ngayon, pero paano kung sinabi kong allergic ako sa soy sauce?"

Tumigil ang guwardiya at humarap sa akin, nirolyo ang mata. Gosh did he roll his eyes like a teenage brat?

"Wala kang magagawa ganyan ang kinakain ng mga preso."

"Hindi ako preso."

"Hindi pa."

Anong kasalanan ko sa kanya?!

"Listen, halos hindi na tanggapin ng dila ko ang lasa niyan. It's been days and I--"

Winagayway niya ang kamay.

"Sa kulungan--"

Marahas akong tumayo at lumapit sa kanya. Muli kong tinignan ang pagkain, adobo. Halos itim na ang sabaw at amoy sunog.

"Listen here, may batas na nagsasabing totoong pagkain dapat ang binibigay sa preso. At hindi pa ako preso pero mas masahol pa sa pagkain ng aso ang binibigay niyo sa akin."

Gusto ko siyang sakalin nang dahan-dahan siyang ngumiti. His yellow teeth showing.

"Ganoon ba? At anong batas? Kung ayaw mo ang pagkain wala akong magagawa." Nagsimula siyang tumalikod pero hinila ko ang damit niya at pabagsak na pina-upo sa upuan kaharap ang pagkaing sinasabi niya.

He's shocked but when he recovered his face turned into snarl.

"Anong---"

Kinuha ko ang kutsara na may lamang pagkain at sinubo iyon sa kanya. Hindi agad siya nakabawi dahil tuloy-tuloy niyang iniluwa ang pagkain at umubo.

"You see... ikaw na mukhang hayop ayaw 'yan." wika ko.

Wala akong panahong magulat nang agaran siyang tumayo, halos lumipad ang upuan sa puwersa. Tinulak niya ako ng malakas pahiga sa kama at marahas pinulupot lahat ng daliri sa aking leeg.

The sudden movement in my larynx made me cough. Tinaas ko ang aking tuhod pero hinuli ito ng kanyang hita at pininid sa kama ganon rin ang isa. I tried to gasp for oxygen but the pressure of his finger wouldn't let me.

Kinalmot-kalmot ko ang kanyang kamay, sinubukan siyang sampalin pero nilayo niya ang mukha.

Lahat ng dugo ko ay nasa ulo na. They need to circulate but can't, he's strangling me like he will kill me. Oh God, Oh God, no.

I need to breathe.

Shit I can't breathe!

Nagpanic ako nang makakita ng puti sa mata. Ang kaninang kamay ko na lumalaban ay nawalan na ng lakas. They dropped limply to my side.

Paralyzed Euphoria (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon