Chapter 61: Leaders plan

39.2K 3K 967
                                    



"MISS ano daw po number ninyo tinatanong ng tropa ko," sabi ni Teddy habang nandito kami sa loob ng Van. Papunta na kami ngayon sa event place at wala silang tigil sa pang-aasar sa akin. Poging-pogi ako kanina sa kanilang apat pero balasubas pa rin talaga ang mga ugali nila.

"Shut up." Nagsalita si Seven at siniko ang tiyan ni Teddy dahilan para indahin nito ang sakit.

"Miss single ka po? Etong tropa ko po single." Si Ace naman ang nagsalita at napairap ako sa ere.

"Jamie ang ganda mo daw sabi ni Seven noong nasa lobby tayo," biglang nagsalita si Kiryu na pumapapak naman ngayon ng Jelly worms.

Namula ang mukha ko sa sinabi ni Kiryu. Alam ko naman na nang-aasar lang sila pero hindi ko rin maipaliwanag ang naramdaman ko noong sinabi iyon ni Kiryu. "Oh 'di ba, namula si Jamie. Dami ninyo pang paligiy-ligoy, eh."

"Stop it already." Utos ni Seven at natahimik sa pagbibiruan ang mga animal. "I want you guys to focus on our mission for the meantime. Teddy at Kiryu, magmasid lang kayo sa mga pumapasok sa Event. Pakiramdaman ninyo kung may kakaibang enerhiya kayong mararamdaman, inform us right away para maging alerto kami."

"Yes sir." Sabay na sabi noong dalawa.

"Ace at Jamie. Just act normal pero huwag ninyong iaalis ang tingin ninyo kay Megan. Kailangan ay hanggang matapos ang event ay nandoon siya at ligtas na makakabalik sa hotel. Maliwanag ba?"

"Yes sir." Ace and I both answered.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa misyong ito, ilang buwan na ang nakalilipas noong huling sumabak ako sa misyon at hindi naging maganda ang naging resulta nito— nawala sa akin si Vincent na naging malapit na kaibigan ko. We trained so hard para mas maging malakas at ayoko na maulit ang mga pangyayari noon.

Akala ko ay sa SM Baguio gaganapin ang fashion show since sina Megan ang may-ari ng pinakamalalaking mall sa Pilipinas pero sabi ni Seven ay nagkaroon daw ng last minute changes at inilipat ang venue sa isang hall kung saan mas maraming tao ang ma-a-accommodate.

Narating namin ang lugar at ang una kong agad napansin ay napaka fashionable noong mga taong pumapasok sa venue. Mabuti na lang talaga at nagpadala ng damit si Girly dahil kung hindi ay naka-sweatshirt at pantalon lang ako ngayon. Pero nilalamig ako sa suot ko... heto na ba yung sinasabi nilang tiis-ganda?"

"Focus on the mission guys!" Seven shouted at sumigaw din kami sa loob ng van. "We are Class Zero..."

"We are family." We answered at bumaba na kami sa Van.

Nauna akong pumasok sa event at una kong event at umupo sa mismong gilid lang ng runway since it's a VIP ticket.

Agad kong nakita si Megan na nakikipag-usap sa ibang mga bigating tao sa Fashion industry.

Sunod na pumasok sa event si Ace and he is holdig his vloffig camera. Sa kabilang side umupo si Ace since ang misyon namin ay bantayan si Megan at hindi magchikahan buong event. Ace focused his camera to me at inirapan ko na lamang siya.

"Para kay Abby, para kay Vincent, para kay Roger, Para kay Casey..." bulong ko sa aking sarili. Hindi ko makakakimutan ang mga taong iyon since ang laki nang naitulong nila sa akin. Nakalimutan man ng buong mundo ang existence nila pero ako ay hindi ko magagawa iyon. They deserve to be remembered.

Pumasok si Seven sa loob ng event hall at lumapit siya kay Megan. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila pero ini-introduce siya ni Megan sa mga kaibigan niya. 

May focus on the mission pa siyang nalalaman. Mukhang nandito lang 'tong pinunong Pito na 'to para makipagtawanan kay Megan.

Habang naghihintay ako na mag-start ang event ay chinat ko muna si Girly.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon