Kabanata 57

19.1K 653 15
                                    

" Remember everything I told you, apo" bulong sa akin ni lolo para hindi kami marinig mula sa pinagtataguan namin.

Kahit sa edad na 64 ay matipuno pa din ang katawan ni lolo dahil batak sa pagg-gym niya at pagt-training. Maputi na ang buhok nito pero hindi maipagkakaila na habulin siya ng babae.

Halos magkamukha na sila ni Papa kaso lang ay nakuha ni Papa ang mata nito kay Lola.

Dumapa ako at inihanda ang hawak na sniper rifle.

Sinamahan pa ako ni lolo para sa 'initiation' ko.

I've been training for already 3 years now, at ngayon ay sinabi ni lolo na tamang panahon para pumatay ako.

Hindi ako masamang tao na gusto talagang pumatay. Lolo said na may nagawa yung papatayin ko ngayon sa kanila kaya gagantihan nila ito.

Matagal nang hinihintay ni lolong dumating ang araw na ito at ngayon, nandito na ako ay hindi ko siya bibiguin. Pati na din yung ibang kasama ko sa training.

Sabi nila, I'm fearless when it comes to training. I always excel at inexpect nila na makakapatay talaga ako ngayon.

So hindi ako nagdalawang isip na pumunta dito.

" Goodluck apo" hinalikan ako ni lolo sa pisngi at lumayo sa akin kaunti. Napangiti ako.

Bumuntong hininga ako at tumingin na sa scope nung baril.

Huminga ako nang malalim at ipuputok na sana ang baril habang nakatalikod yung babae.

Pero umikot siya na parang nagsasayaw.

She gracefully danced. Parang ang gaan-gaan nung katawan niya na animo'y nagb-ballet.

Natigilan ako.

Napakaganda niya.

And she looks so innocent.

And sweet.

My mouth opened in awe.

Why would someone like her do something so bad that my grandfather wants her killed?

Mukha naman siyang mabait and she reminds me of Mama.

" Pat, anong problema?" Hindi ko pinansin si lolo dahil napatingin sa akin ang babae. Lumayo ako sa baril.

Nakatingin talaga siya sa pinakamata ko.

Wait. She can see me?!

I don't know what to do. Kailangan ko bang magtago? Pero parang gusto kong magpakita.

Sinasabi ng puso ko na wala siyang gagawin sa akin.

Nagulat siya nung una at napakunot ng noo.

Maybe wondering why someone like me is holding a gun at such a young age.

Nakita kong bahagya siyang natakot at napatingin tingin sa paligid.

" Pat, shoot her!" Pabulong na sigaw ni Lolo.

" Pero lo, mukha naman po siyang inosente" napangiwi siya.

" She's not innocent so shoot her!" Tumingin ulit ako sa babae.

Bahagyang gumilid ang ulo niya sa akin at muling nagulat.

Maya maya ay ngumiti siya sa akin.

Malungkot na ngiti ang ibinigay niya.

Nagsimula akong manginig.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon