Chapter 2: The party

11.8K 372 119
                                    


CHAPTER TWO

The party

"YOU really have to change your taste with that," Dithri said, eying my tonight's outfit.

Napataas ang kilay ko. "Why? What's wrong with my clothes?" hindi makapaniwalang sabi ko habang tinitingnan ang suot ko.

"Halatang probinsyana ka," Gonz commented, making me roll my eyes. "And you're not?"

"Kitang kita mo naman, Ra, mukha akong model," pagyayabang ni Gonz kaya inirapan ko siya.

"Oh, please, Gonz. Mandiri ka sa mga sinasabi mo. At saka ano naman kung mukha akong probinsyana? Wala namang mali roon, ah?"

Natawa nang mahina si Dithri kaya sabay kaming napalingon ni Gonz sa kanya.

"Now I belive you, Rara. You're really not attracted to him," namamanghang sabi ni Dithri kaya agad akong natawa. "Talagang hindi."

"Ouch," maarteng sabi ni Gonz sabay hawak pa sa dibdib niya. Wow. Best actor talaga 'to.

"Hi, Ryan," bati ni Dithri roon sa lalaking nakaupo sa lobby ng boys dormitory. Mukhang college student lang din siya.

Nasaan 'yong guard nila? Bakit wala silang guard rito?

Ngumiti 'yong lalaki at saka tinanguan si Dithri. "Hey, Dith. New friends?" Tumingin siya sa 'min ni Gonz.

Dithri smiled and nodded. "They're freshmen."

"Hi. I'm Lucah," pagpapakilala niya sa 'min at agad naman siyang kinamayan ni Gonz. "Gonz."

Nakipagkamay din ako sabay sabing, "Feem". Agad na napalingon sa 'kin sina Dithri at Gonz.

"G*go?" natatawang sabi ni Gonz.

"What?" painosente kong sabi. "Feem's not here. I can use her name when I introduce myself to strangers," bulong ko sa kanya at saka ko siya mahinang siniko para sakyan niya na lang sana ako sa trip ko.

Hindi na pumalag sina Gonz at Dithri at hinigit na lang ako papasok sa loob.

Pagkaakyat namin sa rooftop ay agad akong natigilan. Nakakamangha 'yong ganda ng pagkaka-set up no'ng party. May kanya-kanyang puwesto ang mga estudyante at may pool pa roon sa gitna. Seriously? Ganito kaganda ang rooftop ng boys dormitory?

"Have fun, guys. 'Pag nagkaproblema, tawagin niyo lang ako," nakangiting sabi ni Dithri at saka siya humiwalay sa 'min para lumapit doon sa grupo ng mga babae na sa tingin ko ay mga kaklase niya. O kung hindi man, basta mga kaibigan niya.

"Parang gusto ko na mag-transfer dito sa Vera Univeristy," natatawang sabi ni Gonz. Hindi kasi siya rito sa Vera nag-aral. Mas ginusto niya sa De Grande University dahil nandoon rin si Trev, ang kambal ko.

"Lipat ka na kasi rito. Next week pa naman ang official start ng classes. Puro orientation pa lang this week," pandedemonyo ko sa kanya.

Natawa siya at inakbayan ako. "I can't, Ra. Trev and I have big plans for the team."

"Like that's going to change anything. Wala namang future ang De Grande University pagdating sa volleyball. They're the weakest. Hindi ko alam bakit umaasa kayo nila Trev at Feem na mababago niyo 'yong kapalaran ng university na 'yon."

"You were the strongest, yet you're back at zero. Now who's the weakest, Ra?"

Agad akong natahimik dahil sa sinabi niya. He didn't have to go there. Bakit kailangan niyang isali ang pagiging injured ko? Alam kong hindi na ako makakapaglaro ulit pero bakit kailangan niyang isali 'yon sa usapan?

To Pay The Price (Belle Ville Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon