CHAPTER 16 [The Fifth Film]

1K 138 56
                                    

CHAPTER 16
(The Fifth Film)

***

MAXXIMO.


Dali-dali akong lumabas ng kwarto, may napansin akong sapatos kanina na malapit sa table at kinuha ko ito, inilagay ko ito sa likuran ng kurtina para magmukhang may tao sa likod nito, nagtago ako sa likuran ng pintuan at inaantay ko lang na lumapit ito sa may kurtina para makatakas ako. Nung nakalabas na ako ay dali-dali akong tumakbo, hinahanap ko kung saan pabalik sa sala at biglang.

Saan ka galing?” bumungad sa’kin ang isang katulong na inutusan niya para hanapin ako.

Napahawak ako bigla sa siradura ng pintuan dahil sa sobrang kaba ko, napalunok ako ng laway at pakiramdam ko ay umaagos ang pawis sa katawan ko.

“S-sa, sa..” nauutal na sabi ko sa kanya.

Saan?!” pasindak na pagtatanong niya.

Maya-maya ay dumating si misis Valencio kaya mas lalo akong kinabahan.

[intense music plays]

“Ma’am nakita ko na siya.” sabi nito.

“Alam ko, hindi ako bulag.” mataray na sabi nito.

“Bat mo ganyan kausapin yung bisita ko?”

“Ma’am tinatanong ko lang kung saan siya galing kasi—”

“Hindi ba halata? Kita mong kakalabas lang niya sa banyo.”

Tinuro niya yung pintuan na kung saan nakahawak ako sa siradura nito, akalain mo iyon, banyo yung nahawakan kong pinto.

“S-sorry po ma’am.”

Layas!” mataray niyang pinaalis ang katulong nito.

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko at iniharap niya ako sa kanya.

“Oh bat pawis na pawis ka?” pag-aalala niya.

“Ang hot mama mo kasi.” pagpapalusot ko.

Ikaw talaga.” sabay hampas sa dibdib ko ngunit natigilan siya dito.

“Ang sarap naman hawakan ng dibdib mo, ang ganda pala ng katawan mo iho.” papuri niya sa’kin.

“Wag kang mag-alala, mas maganda ka pa rin.” sabay kindat.

Actually nakakasulasok itong pang-aakit ko sa kanya, no choice at need ko talagang asikasuhin yung mission namin ngayon.

“Tara sa sala tayo.” nakangiting sabi niya sa’kin.

Pumunta na kami sa sala at pinaupo na niya ako, inabutan niya ako ng maiinom at ininom ko naman ito. Nakatingin lang siya sa’kin habang umiinom ako at nakangiti ito.

Maraming salamat.” sabi ko sa kanya.

Walang anuman.” nakangiti pa rin siya, ang creepy niyang tignan at mukha siyang manyak.

“Ilan taon ka na iho?” pagtatanong nito sa’kin.

“Sixteen pa lang ako, ikaw ba?” pagtatanong ko sa kanya.

SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]Where stories live. Discover now