Kabanata 58

19K 653 52
                                    

Third Person's POV

Inihinto ni Kei ang sasakyan sa tapat ng pintuan ng mansyon tsaka mabilis na bumaba at pumasok sa loob.

Pagkapasok niya ay hinihintay siya lahat nung kaibigan niya.

Nandoon na din si Katie na umuwi na galing Korea.

Lahat ng mukha nila ay seryoso.

May ibang tauhan din na nakatayo sa gilid at nakatungo lang.

" Kei" tawag ni Zeke.

" Maître" tumingin si Keian kay Felix na lumapit sa kanya.

" What happened?" halata sa boses ni Keian ang pagpipigil ng galit. Mahigpit ang pagkakakuyom ng kamao at gusto niya nalang makapatay ng tao sa sobrang galit.

" 2 AM, lumabas po si Miss Nass sa kwarto niya sa infirmary. He saw her and told her to not leave" tinanguan ni Felix ang isang lalaking binata pa na nakayuko at takot na takot.

" Pero ang sabi daw ni Miss Nass ay maliligo siya sa kwarto niyo. Kaya sinamahan niya ito papunta dito"

Kinuwento ni Felix ang buong nangyari base sa nakalap niyang impormasyon.

" The guards were shot with a tranquilizer gun and that's why they don't know Nathan already escaped, with Nassandra" mas lalong dumilim ang mukha ni Keian sa sinabi ni Zeke.

" Eto po yung cctv footage nung tumakas si Miss Nass kasama si Nathan" habang hawak ng isang tauhan ang isang laptop, pinanood ni Keian ang video.

Kitang kita ni Kei kung paano kunin ni Nassandra ang susi mula sa lamesa nung mga nawalan na malay na guards at pinuntahan ang pinagkukulungan ni Nathan.

Hindi pa tapos ang video ay hindi niya napigilan ang sarili niyang sagiin ang laptop hanggang sa magkawasak ito sa sahig.

Natahimik naman ang buong bahay.

Kinuha ni Keian ang baril mula sa lagayan nito sa balakang at itinutok kay Felix.

" Where is she?" Malamig ang tono nitong tanong.

Nanlaki ang mata ni Felix dahil sa takot na mamatay.

" Keiranz." Madiing tawag sa kanya ni Zeke. Hindi niya ito pinansin at ikinasa ang baril.

" WHERE IS SHE?!"

" H-hindi ko po alam, Maître"

" F*CK!" Galit na ibinato ni Kei ang baril.

" Find her! Do everthing you have to do!" Kaagad na gumalaw ang mga tauhan ni Keian sa takot na baka sila pa ang mapagbuntungan ng galit nito.

Nanatili ang siyam sa loob ng mansyon kaya napatingin si Keian dito.

" What are you waiting for?" Madilim nitong tanong. Napatayo naman nang diretso ang siyam.

" Yes Maître" lumabas ang lahat para pumunta sa headquarters at gawin ang trabaho nila.

Lumapit si Zeke kay Keian at hinawakan ito sa balikat.

" Control yourself Kei" hindi siya tumingin dito nang sumagot.

" I know" bumuntong hininga si Zeke at umalis na.

Ginulo ni Keian ang buhok niya tsaka umakyat sa kwarto.

Nandoon ang gamit ni Nassandra, kahit mga damit.

Naalala niya yung sinabi ni Felix at galit na pinagkukuha ang gamit ni Nass at tinapon ito sa sahig, pinagsama sama sa isang spot.

Maybe he'll burn them. Or throw them to trash.

That's what Keian is thinking.

Mahal niya si Nassandra, although without no proof, pinaniwalaan niya pa rin ang sinabi ni Diego.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon