Chapter 37

25.8K 513 26
                                    

Chapter 37

Saraie POV

"Kapatid moto?" Natatawang tanong ko kay Kelisha at tinuro si Mica.

"Oo, bakit?" Taas nuong tanong ko Mica.

"Hindi kasi kayo---" 

"Hindi talaga kami mag kamuka dahil mas maganda ka." Putol ni Mica sa sasabihin ko.

"Tch. Mangarap ka nalang ng tulog." Bulong ko at sumubo ng kanin.

"Ano!" Inis na tanong ni Mica tinawanan ko lang siya bahala siya.

Nandito kami ngayon sa dining area kumakain ng umagahan. Hindi daw papasok si Mica ng hingi ng excuse. Igagala niya daw ang kapatid niya dito na si Kelisha na mistress ng asawa ko hahaha joke langg.

Kahit pa niloko ako noon ni Keezer hindi pumasok sa isip ko na mistress siya ni Keezer. Siguro dahil alam kong mahal lang talaga nila ang isat isa. Ang huli kong balita sa kanila ay nag hiwalay si dahil na buntis si Kelisha ng iba. At yung lalaking naka buntis sa kanya ay kaharap ko ngayon. Sinusubuan niya yung kambal nilang anak na Babae at lalaki na mag tatatlong taon gulang palang tulad ni Keemer. Habang si Kelisha hawak ang isa nilang anak na isang taon gulang palang.

"Mabuti na lang kahit lalaki ang mga anak mo kamuka mo parin sila." Nagulat ako sa sinabi ni Kelisha kaya napaling ko sa kanya.

"Ha?"

"Hahaha ang mga anak ko kasing lalaki halos baby version na ng asawa ko. Buti na lang may anak akong babae at may naging kamuka ako." Natatawang saad ni Kelisha kaya napailing na lang ako.

"Hi, what's your name?" Tanong niya sa panganay ko.

"Keefer po." 

"Keefer, you really look like your, Papa." Komento ni Kelisha kaya gulat na napalingon sa kanya si Keefer.

"Kilala niyo po si Papa?" 

"Yeah, kaibigan ko siya." 

"Alam ko ang pangalan ni Papa, pero hindi ko alam kung ano ang itsura niya." Naka pout na sagot ni Keefer.

Sinabi ko ang pangalan ni Keezer pero hindi pa nila na kikita.

"Alam niyo po ba kung nasan si Papa?"

Lumingon sakin Kelisha. Ngumiti lang ako sa kanya at kumain na lang.

"Hindi ko alam kung nasan siya. Ang alam ko lang isa siyang mabait na tao at tumutulong mag ligtas ng tao." Sagot ni Kelisha at pilit na ngumiti ka Keefer.

Ngumiti naman si Keefer sa kanya at masayang pinag patuloy ang pagkain.

"MAGKA Kilala pala kayo ni Kelisha?"
Tanong ni Mica habang nag lalakad kami palabas ng bahay nila.

"Oo, siya yung nag check up sakin nung sa first baby namin ng asawa ko."

"Si Keefer?"

"Hindi siya, meron pa kaming naging anak, kaso nakunan ako ng hindi sinadyang saktan ako ng asawa ko."

"Psh. Kung hindi niya sinasadyan hindi ka niya sasaktan kung alam niyang buntis ka." 'Judgemental talaga tong babaeng to'

"Yun na nga e, hindi niya alam na buntis ako."

"E ikaw pala tong gaga e." Sinamaan ko siyang tingin dahil sa sinabi niya 'Apaka judgementel hmp!'

"Kaya ko nga di sinabi dahil may kontrata kami!"

"Ahh. Yung babayaran kayo tapos bibigyan mo siya ng anak?"

"Oo yun yon. Sino bang ina ang papayag na iwan ang anak kapalit ang pera. Oo alam ko naman na may kontrata kami. Pero nag bago yung isip ko nung araw na nalaman ko na buntis ako. Nung sabihin niyang gusto niya ng maging daddy dun nako napaisip.
Pero kung hindi niya ko niloko hindi ako lalayo kasama ang mga anak namin."

"Awtt ang drama ng buhay pwedeng pang telenovela." Manghang pumapalak pak si Mica matapos kong mag kwento. Sinamaan ko naman siya ng tingin at lumabas ng gate ng village.

"Ingatan mo ang mga anak ko." Paalala ko sa kanya.

"Oo chupiee na anong oras na."

Natatawa naman akong nag lakad palayo ng village.

NANG makarating ko ng hospital ay agad akong bumaba ng jeep at direretsong pumasok sa hospital.

Pero hindi pa man ako nalakaka ilang hakbang nang may tumakip sa bibig ko.

Nag pupumiglas ako at pilit na sumisigaw. Napatingin ako sa guard na malapit na sa pinto ng hospital.

Kinaway ko ang kamay ko para mansin niya. Nang lumingon siya ay agad akong nabuhayan. Pero nawala yun ng tignan niya lang ako at nag iwas ng tingin.

Nang maamoy ko ang panyo ay agad na nang labo ang paningin ko.

Pilit kong binubukas ang mata ko pero dahan dahan yung bumagsak at nang dilim ang paningin ko.

Ramdam kong binuhat niya ko bago tuluyang nawalan ng malay.

_____

Awttt patay na!!

Hiding My Son From My Heartless Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now