C O N C E P T I O N

178 16 1
                                        

CHAPTER 70

A month later, King was dealing with a moody wife. Nahihirapan siyang pakainin ito dahil busog daw ito. Lumalaki narin ang tiyan nito at nag-aalala siya sa kalusugan nito. Minsan ay hindi na siya makapunta sa trabaho dahil namamanas daw ang mga paa’t kamay nito kaya hinihilot niya ito hanggang sa makatulog na ito muli.

Sa ngayon ay hindi na siya nagugulat kapag lumalabas sa mansion ito dahil iyon na ang palaging ginagawa ng kaniyang asawa. Kaya naman ay maraming tagabantay ang pinagbabantay niya rito nang hindi nito napapansin. Well, hindi lang talaga siya mapanatag na umaalis itong walang back-up.

“hey,” tawag ng kaniyang asawa sakaniya na kakapasok lang sa kanilang kwarto.

Nasa sofa siya ngayon ng kanilang kwarto at nagtatrabaho sa bahay dahil hindi niya ito maiwan.

“Yes, babe?” he fixed his laptop.

“Let’s go out?”

“Okay. Let me change first.”

“That outfit is fine. Let’s go,” ngumiti ito at lumabas na nang kwarto. At siya naman na nakasuot lang ng cargo pants at itim na T-shirt ay kinuha lang niya ang kaniyang wallet at sinundan na ito.

Nakita niya itong naghihintay sa labas ng kwarto at lumapit sakaniya nong makalabas na siya.

“Masyado kang gwapo, wear a cap and a face mask” utos nito at tumango naman siya at bumalik sa kwarto para kunin iyon.

His wife has become possessive since that incident in the National Bookstore. Ayaw na ayaw nang asawa niya na tinititigan siya ng mga babae kaya naging normal na rin sakaniya na sinasabihan siya nito na mag-mask.

Paglabas niya ay nakita niya muli ang pagkakunot ng noo nang asawa.

“Isn’t there other way to make you ugly? You even look cooler with that surgical face mask. And you’re wearing black shirt, damn it.”

Natawa nalang siya sa sinabi ng asawa at nilibot ang kamay nito sa bewang niya.

“Don’t worry, I will only lay my eyes on you, babe. You can do what you want if you see me looking at other women,” he beamed and started to walk with her.

“Fine. Huwag ka lang magpapansin kung ayaw mong matulog sa labas mamaya.”

Tumawa siya, “Alright, how about Zandry? Won’t he come with us?”

“He’s with KBum right now. Gusto daw ni Nima na makita si Zandry kaya kinidnap niya.”

He laughed and talked to her as they went outside the mansion. They went to groceries because as what his wife said, she wants to eat something simple like they used to be in their previous home. At dahil hindi basta basta nagsasabi ang asawa na gusto nitong kumain ay hindi na siya umangal.

Sa ngayon ay siya ang humihila ng grocery cart habang nakasunod sa asawa. Napangiti siya nang may makitang pamilyar na mukha na kasama rin ang asawa nito. Ibinaba muna niya ang kaniyang mask para makilala siya nito at nagtagpo ang kanilang mga mata at nagulat ng binati siya nito.

“Hi”

Napangisi siya dahil nakita niya ang pagtigil ng asawa nito na kasalukuyang namimili ng mga detergent.

“Hello, baby” bati niya, nagsaludo ng dalawang kamay at kinindatan.

At mas lalong lumapad ang ngisi niya nang lumingon ang asawa nito na masama ang tingin sakaniya. Gusto niyang tumawa dahil sa reaksyon nito at nakaisip pa ng sasabihin kung paano ito paiinisin pa lalo.

K, The Stalker [Zendguge Series 1]Where stories live. Discover now