Chapter 4 -- Pretty Boy

333 8 0
                                    


-----> Si Cahli po yung

nasa multimedia section ^^


-----------------------

CHAPTER 4 -- PRETTY BOY


Takbo lang ng takbo si Helaena at si Cahli na siya palang humatak sa kanya kanina sa classroom.


"Hayy... Helaena hindi mo dapat ginawa 'yon." Sabi ni Cahli habang tumatakbo sila.


"Bagay lang 'yon sa kanya!"


Pagliko nila sa hallway nakabanggaan ni Helaena si Bryant. Buti na lang at nasalo siya nito sa may beywang kaya hindi siya tuluyang natumba.


Hindi namalayan ni Helaena na nakanganga na pala siya habang nakatitig sa gwapong mukha ni Bryant. Pakiramdam niya sila lang dalawa ang nandoon.


Oh my gulay! Si Bryant... I'm fainting... Bryant, why so gwapo? Sambit ng isip ni Helaena. Patago siyang kinikilig.


"Okay ka lang?" Alalang tanong ni Bryant.



Napalunok muna si Helaena bago nakasagot. "O-okay lang ako. So-sorry." She grinned.



"Helaena, tara na. Baka abutan kapa nila." Sigaw ni Cahli.


Naman Cahli! Wrong timing ka talaga. Inayos ni Helaena ang kanyang tayo at nag ayos ng buhok na nagulo. "Si-sige Bryant, mauuna na kami. Salamat. At sorry din." Nag bow siya. Helaena bakit ka nag bow? Ano ka Koreana?



"May problema ba?"


"Ah .. wa-wala, wala naman. Sige bye." Paalam ni Helaena.


"Bye, Elle!"


Napalingon ulit si Helaena kay Bryant. "Ha?" Pero ngiti lang ang isinagot sa kanya ni Bryant. Ang gwapo talaga niya kapag ngumingiti. Someone catch me. I'm fainting. Sabi na naman ng isip niya.



"Heleana, tara na." Hinila na ni Cahli si Helaena palayo. Nakangiti lang na nakatanaw si Bryant sa dalawa.



Dinala ni Cahli si Helaena sa bandang likuran ng campus. Para walang masyadong makakita sa kanila. Madalang lang kasi ang mga estudyanteng dumadaan at pumupunta do'n.


Napahiga sila sa bermuda grass na kapwa hingal na hingal.


"Bakit mo ba'ko itinakbo dito?" Tanong ni Helaena.


"Kapag hindi ko ginawa 'yon baka lalo pang lumala ang sitwasyon mo dun. Hindi mo alam kung pa'no magalit si Brylle."



"Dapat lang sa kanya ang ginawa kong 'yon. Kulang pa nga 'yon eh. At wala akong pakialam sa maaari niyang gawin sa'kin. Kailangan niyang malaman na hindi lahat ng estudyante dito hawak niya sa leeg, hindi lahat takot sa kanya." Matapang na sabi ni Helaena.



Napapa iling tuloy si Cahli. "Hindi mo alam yang sinasabi mo. Hindi mo alam kung anong kaya niyang gawin. Hindi mo kilala si Brylle."



Sandaling natahimik si Helaena.


"Gagawin lahat ni Brylle anuman ang naisin niya, wala siyang pakialam sa ibang tao. Alam mo bang madami na siyang napalayas dito sa Duncanville? Pina kick out niya na walang kahirap hirap. Kahit nga ang ibang mga professor takot sa kanya."


Kahit papano nakaramdam ng takot si Helena sa mga sinabi ni Cahli. Pano kung patalsikin niya nga ako dito sa Duncanville? Or worst mas matindi pa ang gawin niya sa'kin? Kailangan naba talaga akong matakot? Pinilig niya ang kanyang ulo. Hindi, hindi ako pwedeng matakot sa kanya. Isa yata akong Madriaga. Matapang at walang inuurungan.


My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon