Chapter 6

15K 636 240
                                    

#MMIM06

He was just standing there, blinking at me! Tinatry ko pigilan ihi ko pero hindi ko kaya!

"BAKIT KASI HINDI KA KUMATOK?!" sigaw ko.

"Dapat kasi naka-lock!" sagot naman ni Vale.

"WAG KA NA SUMAGOT!" sigaw ko ulit. "LUMABAS KA NA! HINDI AKO MAKA-TAYO!"

Sinara kaagad ni Vale yung pintuan kaya naman tumayo ako at agad na flinush. Lumabas ako at nakita kaagad si Vale na naka-halukipkip. Pumasok siya ng banyo at sinara rin 'yon.

Grabe! Yung dignidad ko! Lord, kita Niyo 'yon! Kita Niyo 'yon, Lord! Kidlatan Niyo nga 'yang Vale na 'yan!

Napalingon ako kina Franco na tawang tawa ngayon.

Enjoy ba nila?! Funny ba 'yon?!

"H'wag kayong tumawa, sisipain ko kayo isa isa!" sabi ko sa kanila. "Ezra, bakit mo naman sinama dito 'yang bwisit na Vale na 'yan!"

"Kasabay ko lang siya dumating!" sagot ni Ezra. "Atska, why not? Sabi nina Franco, may celebration daw, eh!"

"No! He is not our friend!" Halukipkip ko. "Atska anong celebration?!"

"Hindi mo lang friend. Friend naming lahat. Sana maging friend mo rin." Margaux smiled at me. "He's really nice!"

Lumabas si Vale ng banyo at tinignan ko. Kumunot ang noo ko sa kanya, at bago pa ako maka-salita ay winisik-an niya ako ng tubig.

"Bok, nagdala ka ng KFC?" tanong ni Hanzo sabay tingin kay Vale.

Vale nodded and walked towards the couches. Naka-kunot pa rin ang noo ko.

Bakit siya nasa pamamahay ko?! Dito na nga lang hindi umiinit dugo ko, e! This is where I have peace! He is ruining my peaceful place!

"Why is he here?!" Tanong ko sabay upo sa ibang sofa na hindi inuupuan ni Vale. Napalingon si Vale sa akin at tumango ako. "Yeah, I'm talking about you!"

"We invited him!" Ngiti ni Lance. "Di ka ba happy? The more the merrier. Plus, he brought us KFC. Dagdag sa Yellow Cab na inorder."

No! No, I am not happy. No one will be able to replace Claude. Not here, not anywhere. Why are they suddenly changing things up? I mean, gets ko naman kung bakit napapadalas ang pag-sama ni Ezra dahil matagal naman na talaga namin siyang kilala and it's about time he spends more time with us. But Vale is just a stranger!

Nanliit ang mata ko kay Vale na ngayon ay naka-upo na sa couch dahil hinila siya ni Lance at Hanzo.

"You could be a psycho serial killer, for all I know." I said through gritted teeth.

Tinignan niya ako at nginitian.

"Stop smiling!" I snapped at him, which only made him smile bigger. "Crush mo ako, 'no?! Ngiti ngiti ka jan!"

"Hanz said it was his house." Simpleng sagot ni Vale sa akin.

Bwisit, ang sarap talaga sapakin.

"Oo!" Hanzo immediately said. "Hindi sa'kin, kay Nat, pero what's hers is ours! Head quarters 'to ng grupo. Welcome, brad!"

"Anong welcome?!" angal ko. "Hanzo, ikaw papalayasin ko!"

"Oh, eto, deal!" Tumayo si Franco. "If you two can get through two weeks together, everyday, without fighting each other, pupunta tayong Enchanted."

Nanlaki ang mata ko kay Franco. I took a couch pillow and threw it towards him.

"Don't use the EK card!" Humalukipkip ako.

Meet Me In Mabini (City Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon