Special Chapter: Eloiza Martinez

10.3K 561 368
                                    


Eloiza's POV

"Girl, anim na buwan ka na lang rito." tumigil ako sa pag-inom ng tubig at nilingon si Janine.

"Pinaalala mo pa." pagsasali ni Daily. "Ayoko pang umalis si Eloi." nakangusong dagdag nito.

"Kaya nga, mas lalong hindi natin matatalo ang Dragon Empire at Miracle." sabi ni Monique.

Ang Dragon Empire at Miracle lang ang hindi namin matalo sa loob ng dalawa at kalhating taon. Paminsan-minsan ay nananalo kami sa Meteorite. Top one palagi ang Miracle, habang Top two ang Dragon Empire. Depende naman samin ng Meteorite kung sino ang Top three at four.

"Baka hindi na natin matalo ang Metoerite." sabi ni Janine.

"Grabe kayo, parang sinasabi ninyo na si Eloi lang nagbubuhat sa team na 'to." syang dating ni Tyrant na may dalang tinapay. "Oh tinapay."

"Ty, baka nakakalimutan mong may kambal sa Meteorite." sabi ni Janine. Kumuha sya ng tinapay pero lumapit pa sya sa tainga ni Tyrant. Hindi ko alam kung ano sinabi nya kay Tyrant pero siniko sya nito.

"Gagu!" tumakbo si Janine at hinabol naman sya ni Tyrant.

"Ty yung tinapay!" sabi ni Daily.

Pinanood ko ang dalawa na naghahabulan sa buong gym. Yung ibang miyembro ng Shakers ay inaasar sila. Nung umalis si Samantha, si Janine na ang madalas kaasaran ni Tyrant. Kaya inaasar silang dalawa. Loyal lang talaga si Tyrant kaya hindi nahuhulog kay Janine. Ewan ko lang Janine.

"Ano? tapos na ba kayong magharutan?" tanong ni Daily at kinuha ang plastic bag ng tinapay. "Nalabog na." reklamo nya.

"Bwiset kasi 'tong si Janine eh." inis na sabi ni Tyrant. Ngumisi-ngisi lang si Janine sa kanya.

"Mamimiss ko kasing asarin si Ty eh." sagot naman Janine.

"Bakit? Aalis ka rin ba? Walang ganyanan." sabi ni Daily na may nginunguya.

"Uuwi ako samin. Namiss na ako ni Daddy eh." sagot ni Janine.

"Ilang araw ka ron?" tanong ko. Kumuha ako ng tinapay kay Daily.

"Isang buwan kaya mamimiss ko 'to eh." inakbayan ni Janine si Tyrant at si Tyrant naman ay tinulak palayo si Janine.

"Kadiri ka, pawis na pawis ka eh." nakangusong reklamo ni Tyrant.

"Arte mo. Kahit kay Samantha hindi ka nagpapayakap kapag pawisan." sabi ni Janine.

"Pawisan rin ako, sobrang lagkit!"

"Ayan na naman po sila." sabi ni Monique. Pinanood lang namin yung dalawa magtalo sa walang kakwenta kwenta.

Natapos na ang practice namin at may ilan-ilan na ang umaalis kasama na ron ang tatlo. Naiwan ako at si Tyrant. Laging may extra hour si Tyrant. Shooting ang ginagawa nya at tinutulungan ko kapag nakulangan ako sa practice.

"Eloi, kain tayo ng goto after." pag-aaya nya habang namumulot ng bola. Naubos nya ang thirty na bola sa basket. May sampu syang namiss na tira sa thirty na bola.

"Mas gusto kong kumain ng ramen." nakaupo lang ako sa bleachers at pinapanood sya. Wala rin akong balak tulungan syang mamulot ng bola.

"Nacra-crave ka na naman sa ramen." sabi nya at nagsimula muling itira ang bola sa ring.

Nakalimang set sya bago sya tumigil. Nagpaalam na muna syang magsho-shower bago kami umalis. Nagsimula naman na maglinis ang mga janitor ng gym. Inabangan ko na lang sya sa labas ng camp.

"Let's go!" bahagya akong nagulat sa pagkapit ni Tyrant sa braso ko pero agad rin inalis. "Saan pala tayo?"

"Ramen Nagi." nag-abang kami ng jeep para masakyan papunta sa mall. "Pinapagod mo sarili mo ngayon. Hindi ba may call kayo mamaya ni Samantha?" tanong ko. Every Sunday at Thursday ang siguradong nakakatawag si Samantha kay Tyrant.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now