Chapter Seven

291K 10.9K 9.9K
                                    

"A-ano'ng gagawin ko? Paano kung nasa labas si Mayor?"

Para akong ewan na paikot-ikot dito sa kuwarto. Kinakabahan akong lumabas at pumunta sa dining room dahil baka nandoon si Mayor. Hindi ko alam kung paano siya haharapin o kung paano siya pakikitunguhan.

Malambot ang kama ni Mayor at Malaki. Mabango rin ang unan at kumot na halos pakiramdam ko ay kayakap ko lang si Mayor, pero hindi ako nakatulog nang ayos. Nahihiwagaan pa rin ako kung bakit ginawa ni Mayor 'yon.

"Okay lang 'yan, normal pa rin ang pakikitungo ko. Tama, pinatulog niya lang ako sa kama niya, walang ibang meaning 'yon," pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Natigilan ako nang marinig kong pumihit ang doorknob. Agad akong tumakbo at tumalon sa kama saka nagtulog-tulugan.

"I know you're awake. Get up before I shoot your head."

Agad kong idinilat ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Mayor. Bumangon ako at napakamot sa batok ko. Nahihiyang tumingin ako sa kaniya. Ang guwapo niya sa suot niyang kulay gray na three-piece suit. Kahit siguro ano'ng isuot niya, guwapo pa rin siya. Siguro guwapo rin siya kapag walang suot.

"G-good morning, Mayor," sabi ko na lang saka nagkunwaring humikab.

"What are you still doing here? You're being an irresponsible mother to Arkia," nakakunot-noong sabi niya. Pinigilan kong mapaismid.

"Ahm, ano kasi, eh . . . Masarap ang tulog ko dahil dito ako sa kama mo natulog," nakangiting sabi ko saka tinapik ang kama.

Joke lang iyon, hindi ako nakatulog nang ayos kaiisip sa 'yo, Mayor.

Napatingin ako kay Mayor. Walang emosyon na nakatingin lang siya sa 'kin. Napakurap na lang ako at muling napaiwas ng tingin sa kaniya.

Nakakainis naman, bakit naging komportable uli ako kay Mayor? Akala ko pa naman magtatagal ang takot na naramdaman ko sa kaniya, pati 'yung takot ko marupok din.

Hindi na siya nagsalita at lumabas din agad. Napasimangot na lang ako at tumayo saka sumunod sa kaniya.

Ang guwapo ng likod ni Mayor kapag naglalakad. Kapag naglalakad siya parang siya ang may-ari ng mundo, ang confident niya kahit naglalakad lang. Ang ganda ng tindig niya.

"Mama!"

Natigilan ako nang lumapit sa 'kin si Arkia saka niyakap ako sa baywang. Kahit alam kong kaplastikan niya lang 'to, sinakyan ko na lang at ngumiti sa kaniya saka niyakap din siya.

"Bakit po ngayon ka lang nagising, Mama? Hindi po ako makapag-breakfast kasi po hindi ka kasabay," nakangusong sabi pa niya.

"Sorry, Arkia," sabi ko na lang. Kasalanan ng papa mo, e.

"Papa, sasabay ka po ba sa 'min na kumain?" tanong ni Arkia.

Napatingin ako kay Mayor habang naghihintay rin ng isasagot niya. Ayaw kong sumabay siya sa 'min na mag-almusal na medyo gusto rin.

"I'm busy, I just woke her up for you. I'll go ahead," sabi niya saka marahang ginulo ang buhok ni Arkia.

Napakurap ako nang mapatingin din siya sa 'kin. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya.

"Take care of our daughter."

Napasinghap ako nang hawakan din ni Mayor ang buhok ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko saka muling napatingin sa kaniya. Para na namang may nagkakarera sa dibdib ko nang magtagpo ang mga tingin namin.

"I'll go ahead."

Umalis na rin agad si Mayor. Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ay nagwawala pa rin ang puso ko. Napailing na lang ako at napatingin kay Arkia. Napapitlag naman ako nang mapansing nakatingin siya sa 'kin.

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon