Prologue

2M 57.6K 78.9K
                                    

I didn't know when I started noticing him.

I stood there watching him bite his lower lip and stare blankly at his notebook. That simple act revealed his small and deep dimples. Beads of sweat began to form on his forehead, and I envied them as they had the chance to wander across his face.

"Alam kong gwapo ako, Sol."

Napaayos ako ng upo at mahinang kinurot ang sarili dahil nahuli niya na naman akong nakatitig sa kaniya.

Yes, Duke, you're handsome, but there's no way I'll admit that. At least, not in front of you.

"Buti ka pa, alam mo," sagot ko.

Isinara niya ang notebook at humarap sa akin. His soft hair trailed behind him as he moved swiftly.

"May assignment ka na?" tanong niya sa akin. "Tinatamad ako sa Literature. Pakopya na lang."

I smirked in response to his remark. "Sigurado ka bang gusto mong mangopya sa akin?"

Inalis niya ang tingin sa akin at napabuntong-hininga. He knew that he couldn't copy my answers. Hindi naman kasi ako matalino gaya niya, at isa pa, wala pa rin naman akong assignment.

"Bakit ko nga ba naisip mangopya sa 'yo?" bulong niya sa sarili na hindi naman nakaligtas sa pandinig ko.

"Ako na lang pakopyahin mo. Wala pa rin akong sagot."

He grinned. "Doon ka na sa upuan mo. Huwag mo akong abalahin para makapag-focus ako."

"Hmm..." I acted as if I was thinking deeply. "Nakakawala ba ng concentration ang kagandahan ko, Duke?"

He gave me a puzzled look. Sa paraan ng pagtingin niya ay parang nakarinig siya ng isang lenggwahe na hindi niya maintindihan.

"Whatever, pakopya na lang mamaya," mabilis kong saad bago pa siya makapanglait. I stood and went out of our classroom. Kapag kasi nasa loob ako ay hindi ko maiiwasan ang sarili na obserbahan siya.

"Ibili mo akong cheesecake!" rinig kong pahabol na sigaw niya.

Sumilip ako at nakita kong nakatingin din siya sa akin.

"Wala akong pera!" nakasimagot na sagot ko.

He grimaced. "Sagot ko ang pamasahe mo mamaya."

Inirapan ko siya at naglakad na papunta sa canteen. Two hours ang vacant namin kaya marami kaming oras para magliwaliw. Hindi rin naman tambak ang requirements namin dahil halos kasisimula lang ng klase.

Kakaunti ang tao sa canteen nang makarating ako roon. Pipila na sana ako para bumili ngunit nadaanan ng mata ko sina Roswell at Bela, mga ka-department ko na malaki ang galit sa akin.

Napairap ako at hindi na lang sila pinansin. I bought cheesecake for Duke and a burger for me. Bumili na rin ako ng tubig dahil paniguradong magrereklamo ang lalaki kapag wala akong biniling panulak.

"Sol!"

Napapikit ako nang marinig ang nakakairitang boses ni Roswell. Nilingon ko siya at nakitang malaki ang ngiti na parang wala siyang malaking atraso sa akin.

"Para kay Duke?" tanong niya nang makita ang cheesecake na hawak ko. Hindi rin kasi lingid sa kaalaman nila ang pagkahumaling ng lalaki sa cheesecake bilang mga babaeng patay na patay sa kaniya.

I rolled my eyes before answering. "Why do you care?"

"Girlfriend na girlfriend ang dating mo, 'no?" sinabayan pa niya iyon ng tawa bago tumingin sa kasamang si Bela na natatawa rin.

"Oh, bakit? Inggit ka kasi hindi ka pinapansin?" pambabara ko.

She grinned. "You're still so arrogant, Sol. Ni hindi ka naman kayamanan. You literally have nothing to be proud of."

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon