CHAPTER 21

595K 32.5K 68.6K
                                    


CHAPTER 21

"WE'RE LEAVING," paalam ni Maxrill kina nanay at Aling Wilma habang ang paningin ay nasa akin pa rin.

Napabuntong-hininga ako. Naiilang na ako sa kaniya. Kung siya ay hindi alam kung paanong tatapusin ang araw na ito, ako naman ay hindi alam kung paano siyang matatagalan.

Samantalang ito ang matagal ko nang gusto, ang makasama siya. Hindi ko nga alam kung dapat pa bang tawagin iyong kagustuhan dahil para 'yong natupad na pangarap.

Pareho kaming tahimik habang sakay ng elevator. Itinuon ko na lang ang paningin sa kung saan sa harapan. Pero dahil nasasalamin ko kaming pareho doon ay parang lalo lang akong naiilang. Sumusulyap siya sa 'kin at saka mag-iiwas ng tingin. Madalas ay nagsasalubong ang mga tingin namin. Maaaring wala lang 'yon sa kaniya pero ako ay pinanlalamigan na ng mga kamay at kinakabahan.

Kaswal lang ang lahat kay Maxrill Won. Ang totoo ay para pa nga siyang nababagot sa paghihintay na makababa nang tuluyan ang elevator. Nakapamulsa iyong pinanonood na bumaba ang bilang hanggang sa mag-ground floor.

"GF..." dinig kong aniya.

"Ha?"

Nakangisi siyang nagbaba ng tingin sa akin, nakapamulsa pa rin. Sa ganoong agwat ay nakikita ko ang layo ng tangkad naming dalawa.

"It means ground floor," ngisi niya.

Ngumuso ako. "Alam ko."

"What else do you know?"

"Saan?"

"About GF..." may diing aniya.

Ngumuso ako at saka nag-iwas ng tingin. "Wala na..." sumimangot ako nang humalakhak siya. "Bakit?"

"Really, huh?" ngumisi siya.

Alaskador...

Alam kong pinagkakatuwaan na naman ni Maxrill ang pagiging inosente ko. Gusto kong mainis pero nangingibabaw parati amg parte sa akin na natutuwa rin.

Hindi namin inaasahang makakasalubong si Kuya Maxwell nang makababa kami sa lobby. Babatiin ko na sana siya nang matigilan ako sa kaniyang itsura. Ang gwapo niyang mukha ay tila nabawasan ng nangingitim at paga niyang mga mata. Ngumiti siya kay Maxrill ngunit bitin iyon at hindi umaabot sa mga mata.

"Hyung..." Napatitig ako kay Maxrill nang lapitan niya ang nakatatandang kapatid upang yakapin ito. Pakiramdam ko ay hinaplos ang puso ko sa tanawing iyon.

Kaswal lang namang yakap iyon. Pero sa ilang pulgada kong layo ay tila naramdaman ko ang higpit at sinseridad no'n.

"Where are you going?" pilit ang ngiti ni Kuya Maxwell, lumapad lang iyon nang bahagya nang malingunan ako. "Oh... Hello there, princess."

Hala... Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko. "Magandang umaga po, Kuya Maxwell."

"Sweet." Matunog siyang ngumiti. "No one ever calls me kuya the way you do, Dainty."

"Maxpein does," angil ni Maxrill.

Kunot-noong nilingon ni Kuya Maxwell ang kapatid. "Yeah, because you never did, you rude, spoiled freaking brat."

"I call you hyung, every freaking day in every freaking moment of my life, you short-tempered, grumpy old guy."

Hala... Napamaang ako sa kanila, nagpapalitan ng tingin. Galit ba sila? Nag-aaway ba sila?

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon