Chapter 3

796K 18.2K 4K
                                    

Chapter 3

 

[Timi’s POV]

 

Finally natapos na rin ang araw na ‘to.

            Wala pa akong pahinga. Pagka-landing ng eroplanong sinasakyan ko sa NAIA eh trabaho agad ang inatupag ko. At nakaka-stress ang una kong customer. Nakakastress talaga.

            Kaya naman nang matapos ko na ang lahat ng dapat kong asikasuhin, agad akong sumakay ng taxi at dumiretso pauwi sa condo unit ko.

            Oo, naka-bukod na ako ngayon kina mommy at daddy. Medyo malayo kasi ang bahay namin sa restaurant ko. Pero supposedly dapat uuwi ako ngayon sa amin kaya lang, wala naman silang dalawa ngayon. Nasa Palawan pa sila at nag ho-honeymoon---ulit.

            Buti na lang at hindi kalayuan ang condo ko sa restaurant kaya naman in less than ten minutes, nakarating na ako dito.

            Pero nagulat ako pagkabukas ko ng ilaw ng unit ko ay may nagliparang party poopers sa akin at nakita ko ang EndMira sa harapan ko.

            “Welcome home Timi!!” sabay-sabay nilang sabi.

            “What the hell? Are you serious?!” gulat pero naka-ngiting sabi ko sa kanila.

            Dali-dali akong tumakbo papalapit at pinagyayakap ko sila. Si Geo, si William, si Jasper.

            “Oy! Ba’t wala akong hug?!” reklamo ni Ayen.

            “Naka-isa ka na kanina!” sabi ko sa kanya tapos tinignan ko ang ibang EndMira. “Akala ko nakalimutan niyo na ako eh. Akala ko si Ayen na lang ang nakaalala sa akin.”

            “Pwede ba yun? Syempre kahit gaano kami ka-busy, hindi namin palalagpasin na salubungin ang balikbayan naming best friend!” sabi ni Geo.

            Lumapit si Jasper sa akin at ngumiti, “so, nasaan na ang pasalubong mo sa amin?”

            “Wala!”

            “Wala siyang pasalubong guys. Tara na. Umalis na tayo. Dalhin niyo ang cake,” sabi naman ni William.

            Nagtawanan kaming lahat.

            Nag set up na agad kami at kinain ang cake na dala nila. At dahil puro matatakaw na lalaki ang kasama ko, nag order na rin kami ng pizza pa.

            Habang nagku-kwentuhan, hindi ko maiwasang mapatingin sa bawat isa sa kanila. Ang laki na ng pinagbago ng mga itsura nila.  Alam kong gwapo na sila noong highschool pa lang kami. Pero nang makita ko sila ngayon, narealized ko na mukha pala talaga silang mga totoy noon. From being a cute kid, they are now a hot, gorgeous grown-up men.

            Pero nakakatuwang isipin na kahit nagbago na ng husto ang mga itsura nila, ganun pa rin ang mga ugali nila.

            Ang dami naming napagkwentuhan lahat. Kinukulit nila ako sa lovelife ko. At dahil gusto kong gumanti, isa-isa ko rin silang inintriga sa mga lovelife nila hanggang sa mapako ang topic kay William.

            “So kamusta naman yung naging girlfriend mo na journalist na shinota ka lang para maka-kuha ng scoop about EndMira?” tanong ko sa kanya.

            “Ay malupit ang nangyari!” sabi ni Ayen.

            “Nadurog ang puso ni William doon!” dagdag naman ni Geo. “Kala ko mag su-suicide na itong si Will eh!”

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon