XI

8.1K 409 60
                                    

With them

Nandito kami ngayon sa cafeteria matapos ang naganap na test for the guild. Katabi ko si Orium habang kaharap ko ang nakangising si Gelo.

"Ano ang nasalihan mo Afianna?" Tanong niya sa akin at sumubo ng pagkain. Nagkaroon naman ng interest ang mga kasama ko.

"Scavenger Guild." Sagot ko.

"Woah! Nakapasa ka? Ang galing mo Afianna. Kahit ako hindi ko magawang makapasa sa exam na ginagawa nila. Dahil kung malakas ka, si Maestro Karis o si Gemini ang mismong kalaban mo o hindi kaya dalawa ang kakalabanin mo." Mahabang litanya ni Lance habang may kunot sa noo at tila inaalala ang nakaraan pagkatapos ay umiling.

"I heard a rumor," Vanilla paused at tumingin sa akin. "Si Gemini raw ang nakalaban mo and you two are well-matched! Totoo ba?!" Excited na tanong niya. Tumango na lamang ako dahil alam kong walang balak na sumagot ang katabi ko.

"Seryoso?!/Totoo?!" Si Kenneth, Lance, and Carmen ay napatayo habang si Hailey, Vanilla and Gelo ay hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

We also gained the stares from the other students at nagsimula ang bulong-bulungan habang pasimple kung makatingin dito.

Siniko ko si Orium na prenteng kumakain at walang paki sa paligid. Ilang ulit ko siyang siniko bago nagtaas ang kanyang tingin at tumingin sa akin ng masama.

"I technically lost." Sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin pero normal na lamang ang nga ito. Nanlaki naman ang mga mata ko sa kanyang sinabi.

"What?!" Sigaw ulit nila at lahat na sila ay nakatayo same with Gelo.

"She's holding back." Sabi ni Orium at bumalik sa pagsubo ng pagkain.

Napatingin naman sila sa akin bigla, kaya nagulat ako at itinaas ang dalawang kamay sa ere na parang sumusuko bago umiling.

"I'm not."

"Yes, you are."

"No."

"Yes."

Alam niyo yung feeling na inaasar ka ng isang malamig na tinig. Alam niyo yun? Tapos ang iba pa ay pabaling-baling ang tingin sa aming dalawa.

"You are." Sabi ko.

"Nope, it's you who is holding back." Sabi ni Orium at tumingin sa akin.

"It's you."

Napatingin ako sa aking kasama ng biglang may nahulog na kutsara sa isang plato.

"This is first." manghang sabi ni Carmen.

"Yes." Marahang tumango sina Lance and Ken.

Napatingin naman ako kay Vanilla na nakatulala, habang si Hailey naman ay parang kinikilatis ako. Napatingin ako kay Gelo na nagtataka sa paligid niya.

"What's first?" Naitanong ni Gelo kay Carmen.

"Gemini!" Napatango-tango naman ang iba.

"Bakit?"

"Words. Ilang words yun?" Baling ni Carmen kay Vanilla.

"Seven. Not the usual less than 5 words." Napatingin naman sa akin si Vanilla. "He never talks continuously."

They are dumbfounded. I know. Base sa nakikita ko kay Orium sa nagdaang araw. He seldom talks. He never do and he never cares something so trivial. Or am I wrong?

Afianna: The Reincarnation Of A GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon