Chapter 5

862K 37.5K 25.5K
                                    

Kinabukasan ay mabilis na kumalat ang balita. Mas big deal ngayon dahil may ibang pangalan na napasama, si Mitzie. Lahat ay nakikisimpatya sa kanya dahil kilala naman ng buong eskwelahan sina Roswell at Bela bilang mga bully talaga.

"Buti nga at ipinagtanggol ni ate nudes," dinig kong bulungan ng ibang estudyante habang naglalakad ako papunta sa room. Umagang-umaga pa lang ay iyon agad ang narinig ko.

I sighed. Hindi ko kasabay si Duke sa pagpasok dahil maaga siyang umalis sa kanila. May hihiramin daw siyang libro sa library kaya hinayaan ko siyang umuna.

"Eh, palengkera rin naman kasi iyan. Kita mo nga at laging pasagot din."

"Sayang, 'no? Ganda sana..."

I tried ignoring them because I was used to it. Iniisip ko na lang ay masyado akong maganda kaya sila inggit na inggit sa akin. Alangan naman kasing hindi ka sumagot kung may nanggigipit sa 'yo, hindi ba? You should always be your own knight.

Akala ko pa naman ay gaganda na kahit papaano ang image ko sa ginawa ko kahapon pero ngayon ay nakita pa rin nila ang pangengealam ko? Hay, I really despised their mindset.

Nang makarating sa room ay kinuha ko ang aking cellphone dahil naalala ko ang ingredients na kailangan kong ipabili kay Troy. Seryoso kasi ito nang sinabi ko sa kanya ang tungkol sa pastry. Hindi na rin naman ako sumabat dahil mayaman naman ang pamilya nila. His mom was the campus director of our university. Kahit pa state university lang ito, malaki pa rin ang sahod no'n!

Me:
wuy grocery tayo mamaya, bibili me ng ingredients para sa cookies

Wala pang ilang minuto ay nagreply ito. Marahil ay on the way na rin siya papunta sa school.

Troy Asungot:
gege

Napairap ako sa reply niya at ibinaba na lang ang cellphone. Nakita kong pumasok si Mitzie sa room nang nakatungo kaya napakunot ang noo ko. Sigurado akong marami itong narinig habang papunta rito sa room.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at sa hindi malamang dahilan ay nginitian niya ako. I didn't know what to say, so I just smiled back. Ibinaba niya ang kanyang bag at pumunta sa pwesto ko.

"Canteen tayo!" yaya niya sa akin. Gulat man sa ipinapakita niyang pagiging friendly ay tumango ako.

"Ano ang sumapi sa 'yo?" tanong ko habang nakapila kami sa canteen. Kumuha ako ng cheesecake para kay Duke dahil wala naman talaga akong bibilhin.

"Mahilig ka rin sa cheesecake?" nakangiting tanong niya, hindi sinagot ang nauna kong tanong.

Umiling ako. "Para kay pangit 'to."

Nag-iwas ako ng tingin nang makita ang mapang-asar niyang mukha. Lagi ko namang ginagawa ito noon kay Duke pero ngayong may nagbibigay ng malisya ay naiilang ako!

"Hindi raw gusto."

Pabiro ko siyang siniko. "Manahimik ka d'yan. Secret lang natin 'yon."

Tuluyan na siyang natawa sa sinabi ko. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon dahil mukhang mapagkakatiwalaan naman ang babae. Isa pa ay baka asarin niya ako nang asarin kapag kaharap na si Duke. Mabuti nang malinaw kami sa parteng iyon.

"Subukan mo talaga akong asarin don, ipagkakalat kong crush mo si Troy," pananakot ko sa kanya kahit hindi naman totoo.

Nang mabayaran namin ang binili ay dumiretso na rin kami sa room. Naroon na nakaupo sa pwesto niya si Duke kaya sa kanya ako nagpunta.

"Oh, umagahan mo," sabay lapag ko sa cheesecake at hot choco niya. Alam ko kasing hindi ito nag-breakfast lalo pa at ang aga nito sa school.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at simpleng napangiti nang makita ang binili ko para sa kanya. Napairap ako habang iniisip na sana ay kiligin naman siya.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon