Chapter 6

896K 39.9K 33.7K
                                    

"Looking in your eyes I see a paradise. This world that I found is too good to be true. Standing here beside you. Want so much to give you this love in my heart that I'm feeling for you..." kanta ni Mitzie habang naggigitara.

Kinuha ko ang bote ng tubig sa mesa at ginawa iyong mic.

"Let them say we're crazy! Don't care about that! Baby, we can make it if we're heart to heart!" maingay kong kanta. Naramdaman ko ang pagbato sa akin ni Troy ng stick kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang basher mo, Troy."

"Hindi ako basher. Ampangit lang talaga ng boses mo." Matapos sabihin iyon ay tinabihan niya si Duke at tinulungan mag-ihaw.

Dahil tapos na ang midterms at nailabas na ang resulta, napagdesisyonan naming magbarbecue party na sagot ng tuwang-tuwang si Troy dahil hindi kami magre-remedial.

Nasa rooftop kami ngayon ng bahay nina Duke dahil apparently, sa aming apat ay bahay lang naman nila ang may ganitong lugar. Dito rin matutulog si Troy habang si Mitzie naman ay pinayagan ng Daddy niya na sa bahay namin matulog.

Matapos ang nangyaring pambubully kay Mitzie, naging magka-close kami. Araw-araw na namin siyang kasama kapag lunch. Kapag uwian naman ay sabay sila ni Troy dahil magkaiba ang daan namin ni Duke kumpara sa kanila.

May kaya rin ang pamilya nila kaya lang ay nalugi ang business nila sa Japan kaya napilitan silang umuwi sa Pilipinas para magsimula ulit. Purong Hapon ang Daddy niya habang Pilipino naman ang kanyang Mommy kaya sa aming apat ay si Troy lang talaga ang pure-blooded Pinoy. Half American ako habang si Duke naman ay half Australian.

"Nasaan si Kuya Sean, Duke?" tanong ko sa lalaki. Nakaupo lang kami ni Mitzie sa lapag dahil japanese table style ang inihanda nila para mas feel daw.

"Baka nasa school pa 'yon, busy sa thesis," malamig na tugon sa akin ng lalaki.

Tumango ako. Sayang naman at masaya pa naman iyong kasama. Hindi ako maaaway ng mga lalaking nandito siya.

"Si Sean iyong kapatid niya, 'di ba?" bulong sa akin ni Mitzie.

"Oo, bakit?" bulong ko rin sa kanya. Mukha kaming tanga na may sikreto sa dalawa dahil sa ginagawa naming pagbubulungan.

"Crush ko 'yon."

Hindi ko napigilan ang singhap sa sinabi niya. I mean, yes, Kuya Sean was every girl's dream guy, but I didn't think Mitzie would like him!

Lumapit ako sa tenga niya at bahagya siyang nakiliti. "Isang beses mo pa lang nakita 'yon ah?"

She shook her head. "Nakikita ko 'yon sa campus. No'ng nagtext siya sa akin no'ng nag-perform ako rito, medyo humaba ang usapan namin."

I was so excited that I squealed. Kuya Sean texting a girl? I couldn't imagine him doing that! Mukha itong laging focus lang sa pag-aaral at walang panahon para sa mga babae.

"Ano namang pinag-uusapan niyo d'yan?" tanong ni Troy bago ilapag ang niluto sa mesa.

Sabay kaming umiling ni Mitzie. Girl's talk 'to, Troy. Hindi ka makakarelate!

"Kunin mo iyong cookies ko sa ref nila sa baba, Troy," utos ko sa nakasimangot na lalaki.

Umiling siya, bahagyang nakangiti. "Masyado ka nang abusado. Si Mitzie naman ang pababain mo at baldado na ata 'yan. Hindi manlang kayo kumilos."

Binato siya ni Mitzie ng tissue bago tumayo. Natatawa akong napatingin sa kanya dahil walang imik siyang bumaba para kuhanin nga ang iniuutos ko. Pwede namang ako ang kumuha non pero talagang sumunod siya, ha?

"Cute cute ni Mitzie..." bulong ko.

"Oo nga, eh, sana ikaw rin."

Dahil malapit lang sa akin si Troy, nagawa ko siyang hampasin sa balikat. Nakasando lang ito gaya ni Duke kaya sigurado akong lumatay ang kamay ko sa balat niya.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon