Chapter 19

17.3K 1K 270
                                    

Alliston

"Ate Alli, what are we doing here? Kanina pa tayo nandito."

Inirapan ko lang yung itsurang iyon ni Candice na mukhang kanina pa bagot na bagot. We are staying inside a not-so-popular restaurant that's way below my standards just to have a glimpse of that woman.

The woman that makes Pooper bear that cold.

Ito namang babaeng kasama ko puro reklamo ng reklamo dahil walang patatas dito. Ayaw daw nito ng meat. Mas gusto daw nito ng mga veggies and rootcrops. Nung binilhan ko naman ay tumahimik din. Pero after ng isang oras ay nangungulit na naman. She have lots to do daw at pag nalate ito ng uwi ay masasaktan na naman ito ni Rie.

No doubt. Baka akala nambababae na naman ito. Ang landi kasi. Sukat ba namang manghalik lang ng kung sino-sino. Duh! Si Hariette Oliviar na yung girlfriend nya, nagloloko pa sya.

"Sino bang inaabangan mo dito, Ate Alli? May imemeet ka ba? Why do you have to tag me along pa? Can't I just go home?"

"Pssssh." Sinamaan ko sya ng tingin. "I helped you before di ba? Remember when you told me that you'll pay me? I need a companion now and in upcoming days. Samahan mo lang ako."

"But I've got works to do!"

"Don't mind it. Tutulungan kita. That's so easy." I dismissed.

"Paano pag hinanap ako ni Hariette? Pag di ako noon nakita sa office kung sakaling bigla syang mag surprise visit, masasaktan ako noon."

"Edi saktan mo din. Nagawa mo naman na yun di ba? Noon sa isla nila Grant when she stopped you from seeing your dead father."

Napasimangot lang ito. Kinuha yung baso ng tubig at uminom.

"Dati pa yon. That was years ago when I am not yet into her. But I can't hurt her now. Lalo pa pumayag na sya na magkababy kami after a year."

Nasamid yata ako pagkarinig ko sa sinabi nito.

Si Hariette? Pumayag magkababy? Candice must be dreaming.

Alam ko naman noong dinner sa bahay nila Rie na sinabi lang nito na payag itong magkababy sila ni Ice para pumayag lang sila Tito. But No! Hariette despise babies as much as I do.

"Kung ayaw mo maniwala, hintayin mo na lang. She promised me na magpapakasal din kami after a year. Pag nagtwenty na daw ako at hindi na ako teen."

Takot masabihan na cradle snatcher, Rie?

"She won't marry you. Asang-asa ka na naman." Pang-iinis ko dito. Though, I am slightly believing na tinamaan na talaga dito si Hariette.

That woman won't make a joke about Marriage and kids. I am sure of it. Sa tagal ko ba naman na nakasama iyon, pareho pa nga kaming gustong manapak ng batang iyakin na nakikita namin sa Mall sa kung saan saang bansa kami naglilibot noon. We just hate a child's cry. It's so loud and annoying. Ang sakit sa tenga.

Candice just shrugged. Not a bit offended. Mukhang paniwalang-paniwala din naman ito kay Rie.

"Hariette won't make promises she can't keep."

"Talaga?" Yet she betrayed me. She left me for you. She hurt me because she can no longer stay with me. In the end, promises aren't all and everything. It's about the reasons why people choose to stay. And Hariette is no longer seeing the reason of why she stayed with me all this time.

Just because you came.

Tumango si Candice at ngumiti. Her green eyes are so pretty. Her smile is quite annoying still. Masyadong inosente kasi. Yung tipong kinaiinisan ko dahil mabilis utuin ng mga gaya ko.

Taming AllistonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon