SANA ALL MAY JOWA

500 9 0
                                    

"SANA ALL MAY JOWA, SANA ALL MAHAL!!" Pasigaw na kanta ko—— hindi ko sigurado kung kanta ba talaga iyon.

Naririnig ko lang kase yan sa kaklase kong si Mary.

"Ang ingay. Tss." Nagsusungit nanaman ang boy best friend kong si Mav.

Naupo ako sa tabi ni Mav.

Nasa park kami ngayon, medyo malapit lang sa school namin. May 2 hrs vacant kase kami ngayon kaya naisipan naming tumambay muna dito sa park.

"Hays, sana all talaga may jowa." Napapabuntong hiningang sabi ko pa.

"Walang interesado sayo, kaya wag ka ng umasa na may papatol pa sayo. HAHAHA." Ang sama talaga ng ugali ng baklang 'to!

Hmp! Napa pout nalang ako dahil sa sinabi n'ya.

"Everything happens for a reason."

Napatingin ako kay Mav ng bigla nalang syang mag salita.

"Ang seryoso natin ah?" Pangaasar ko sakanya with matching sundot sa tagiliran.

Natigil ako sa pagsundot sa tagiliran nya ng tingnan nya ako ng masama.

"Do you believe in the saying, EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON?" He ask.

"Hmm. Oo."

"Parang magkakonekta ang kasabihang EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON at kapag may umalis, may panibagong darating."

"Hmm, paano mo naman nasabi?"

"Everything happens for a reason, siguro kaya tayo nag break noon para maging magkaibigan tayo at mas makilala pa natin ang isa't-isa. At kapag may umalis, may panibagong darating. Noong umalis ka sa buhay ko, may panibagong Xye akong nakilala at yun ang bagong IKAW. Panibagong katauhan mo na naging kaibigan ko at mas nakilala ko pa ng todo. At ngayon ko lang napatunayan na, EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON. Kahit na mag-ex tayong dalawa we still have these closure and it turns us out to be friends. And now, I Don't want you to be friend anymore. I want you to be my girlfriend, AGAIN." Nakatulala lang ako habang pinakikinggan ang mga sinasabi n'ya.

Tumayo s'ya sa harapan ko saka ngumiti,

Inilahad n'ya saakin ang isa nyang kamay saka ako inalalayang tumayo,

Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at saka unti unting inikot patalikod sakanya at paharap sa napakaraming tao na hindi ko namalayang nasa likod pala namin

Kada isa ay may hawak na papel at may isang letra na bumubuo sa salitang WILL YOU BE MY GIRLFRIEND Xaczira Lav, AGAIN?

Hinayaan ko na lamang na pumatak ang aking luha.

Para akong baliw na tumatawa habang umiiyak,

Hindi ko alam kung anong unang dapat kong gawin.

Halo halo na ang nararamdaman ko.

"Bat may ganito?" Naiiyak ko paring tanong habang tumataw.

"Basta ang alam ko, Oo o Hindi lang ang dapat kong marinig na sagot mula sayo."

"Baliw ka talaga! Kailangan pa bang itanong yan? Shempre, Oo ang sagot ko."

Mula sa likod ay niyakap n'ya ako at sabay naming pinanood ang pagpalakpak ng mga taong tumulong sakanya.

"SANA ALL MAY JOWA!" Rinig kong Sigaw ng isang babae habang nakatingin saamin.

Agad akong napakalas sa yakap ni Mav ng mapagtanto kong si nanay pala ang sumigaw!

END.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon