PASYENTE KITA, DOCTOR MO AKO

2.5K 18 1
                                    

"Time for meds.!" Sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig ako ng lalaking pasyente na busy sa kaka dutdot sa kanyang cellphone.

"I don't need meds." Masungit na ani nito, nanatiling nakatingin sa cellphone n'ya.

Hindi nalang ako ulit nagsalita pa dahil alam kong magaaway nanaman kami.

Inilapag ko sa side table ang dala kong tray na may lamang isang baso ng tubig, gamot at vegetable salad.

Naka tiptoe akong naglakad papalapit sakanya, sa bandang likuran.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga seksing babae na isa isa n'yang tinitingnan.

Mas inilapit ko pa ang mukha ko, para mas makita ang mga larawang tinitingnan n'ya.

Hmm, magaganda nga ang mga iyon. Makikinis, mapuputi at halatang mga modelo. Pero hindi ko kilala ni isa sa mga iyon.

"What are you looking at?"

Natigil ako sa pag-uusisa sa mga litrato, at saka dahan dahang tumingin sa lalaking ngayon ay nakatingin na rin saakin!

Mabilis pa sa alas kwatrong lumayo ako sakanya.

"What the hell are you doing?" Malamig na aniya habang wala manlang emosyon ang kanyang mukha.

"Chini-check ko lang kung ano ang ginagawa ng pasyente ko." Pormal na sagot ko, nilalabanan ang titig nya.

"Nagpapapansin ka ba saakin?" Ang prangka naman ng lalaking 'ito.

Direkta kung direkta ang tanong! Ayaw ng pasikot sikot, gusto direct to the point! Kaloka.

"Hindi." Mayabang na sagot ko sabay cross arms.

"Why are you still here?"

"Hindi mo pa iniinom ang gamot mo."

"Ayoko ng gamot. Hindi ko iinumin ang gamot na iyan, kaya umalis ka na."

"Kailangan mong uminom ng gamot."

"Ayoko."

"Sundin mo ang pinapagawa ko sayo."

"Umalis ka na dito,"

"Ayoko."

"Labas."

"Kailangan mong inumin ang gamot mo,"

"Hindi ka mawawalan ng trabaho kahit hindi ko inumin yan, kaya lumabas ka na."

"Sundin mo ang sinasabi ko! Inumin mo na ang gamot ngayon din."

"At bakit kita susundin?"

"Dahil Doctor ako dito, at doctor mo ako."

"Doctor ka lang dito, ako ang may ari."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya.

Agad kong tinungo ang chart kung saan naka lagay ang mga impormasyon tungkol sakanya.

"Danielson Wordsmith." Basa ko sa pangalan n'ya.

Wordsmith? Teka—— Wordsmith hospital..?

Tumayo ako ng maayos, saka ibinalik ang chart sa dati nitong kinalalagyan.

Huminga ako ng malalim saka sumeryoso ang mukha. Pilit na tinatago ang kahihiyan sa buo kong systema.

"Wala akong pakealam kahit ikaw pa ang may ari ng mundo. PASYENTE KITA AT DOCTOR MO AKO. Kaya susundin mo ang ano mang sasabihin ko para gumaling ka na."

Kinuha ko ang gamot at baso ng tubig sa tray saka iyon iniabot sakanya. Kinuha nya naman iyon, pero sadya atang may lahing demonyo ang lalaking ito.

Pagkakuha nya ng gamot ay agad nya iyong tinapon sa basurahan at tanging tubig lamang ang ininom n'ya.

Napairap nalang ako dahil sa inis.

"Ayokong uminom ng gamot dahil ayokong gumaling, ayokong uminom ng gamot dahil gusto kong pilitin mo ako, pero kahit pilitin mo ako ay hindi ko parin iyon iinumin dahil ayokong umalis sa hospital na ito. Dahil kapag gumaling na ako at makalabas na sa pesteng hospital na 'to, baka hindi na ako makabalik ulit at hindi na kita makita pang muli."

Seryosong seryoso ang pagkakasabi n'ya, nanatiling walang emosyon ang kanyang mukha pero napakaraming emosyon ang makikita sa kanyang mga mata.

Nanatili lang ako sa aking kinatatayuan, pilit na iniintindi ang mga sinabi n'ya hanggang sa hindi ko na namalayang nakayakap na pala sya saakin.

—END

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon