CHAPTER 3

332 17 0
                                    

T H R E E


Bon's POV

"UY, tapos ka na ba?" tanong ni kuya Calyx. Tapos na kasi siya pero ako hindi pa. Mga thirty minutes pa siguro. Overtime ako. Pati ata sila kuya Ron at Dex, overtime din.

"Di pa eh." sagot ko.

"Ge. Hintayin ko kayo. Naghapunan ka na ba?"

'Actually, kagabi pa ko hindi kumakain.' gusto ko sanang isagot pero wag na lang. Sayang energy. Umiling nalang ako.

"Ah, ganon ba? Ano Dexon? Sasama ba natin to?" tanong niya kay kuya Dex.

"Ge, ge. Basta sagot mo siya. Lakom pera ngayon eh!" sabi nito sabay tawa.

"Hayop ka talaga! Minamagic mo ba pera mo, ha? Bilis mawala eh! Sige, sige!" bumaling uit ito sa akin saka nagtanong. "Ano bang ginawa mo dyan?"

"Ito? Pinalitan ko ng mas malaking plato, rim at mas malaking rayos. Sabi kasi ni kuya Ron, rayos daw ang madalas na problema nito. Lagi daw sira." sabi ko.

Waw! Ang dami non ah. Kahingal.

"Ay, oo. Lagi ngang sira rayos nyan. Ano kayang ginagawa non sa motor nya?" nagtatakang tanong nito.

"Malang pinang reracing nya to. Obstacle race o kaya mountain race." sabi ko.

"Ah, talaga? Pano ko nasabi? Ang galing mo naman!" tanong nya.

Malang, halata naman kasing mountain bike to eh!

"Puro putik yung gulong eh." simpleng sagot ko.

"Oo nga naman eh no? Antanga ko. Buahahahah!" tawa nya.

Para siyang baliw sa totoo lang.

Nang matapos kami nila kuya ay inaya nila ako sa isang kainan.

Kasalukuyan kaming kumakain ng biglang may sumulpot na asungot.

"Kuya!" sigaw nito sabay damba sa likod ni Kuya Ron.

"Ano ba Jiro? Ang bunganga mo, sakit tenga!" iritang sabi ni kuya Ron. "Kitang nakain eh!" singhal pa nito.

Tahimik lang akong kumakain sa tabi ni kuya Ron.

Akalain mong kapatid nya pala ang kambal?

"Si Kiro na saan? May lagnat pa rin?" tanong si kuya Ron.

"Oo eh!" sagot si Jiro at umupo sa tabi ng kuya nya.

"Nung isang araw pa yun ah? Di parin magaling?" sabat ni kuya Dex.

"Papaniwala kayo dyan. Kanina lang inaway ako ng dalawang yan eh!" biglang sambit ko kaya napalingon sila sakin ng may pagtataka.

"Huh? Sino yan ku-IKAW?" bigla itong nag-hysterical ng ibaba ko ang hood ko at humarap sa kanya. Tinaas ko pa yung isang kilay ko para intense.

"Magkakilala kayo?" tanong ni kuya Calyx.

"Hmm. Kinursunada nila ako kaninang umaga sa daan. Nakipag kilala sila tas hindi ko pinansin kasi mukang pagtitripan lang ako kaya pagtalikod ko binato ako ng isa sa kanila!" sabi ko sabay inom ng tubig.

"Totoo ba, Jiro?" seryosong tanong ni kuya Ron.

"Ah, eh. Hah? Hindi ah! Papaniwala ka jan. Sino ka ba ha?" ako ang pinaginitan nito.

"Ako si Bon, apo ni mang Juan." sagot ko.

"Ikaw!" inis na sabi nito at hahablutin sana ko pero umilag ako. Naalarma ang ibang customer.

"Tama na, Jiro! Tapos na ko kumain. Ihatid nyo si Bon, Dex at Calyx. Maguusap tayo Jiro, alam kong walang sakit si Kiro. Pinagbiyan ko lang kayo! Pero abuso kayong kambal!" sabi nito at hinatak na si Jiro. Nagtake out ito ng hapunan nila saka muling hinatak si Jiro na masama ang tingin sa akin.

"Ang kambal talaga. Walang awa sa kuya nila." komento ni kuya Calyx. "Tapos kana?" taong nito sakin.

"Hmm. Kanina pa. Kayo na lang iniintay ko eh." sabi ko habang naka lapat ang kaliwang pisngi ko sa lamesa at nakalalay ang dalawang kamay. Nabobored na naman ako, huta.

"Tinanong mo pa eh halata naman tapos na siya. Ang bagal mo kasi ngumuya. Parang baka!" asar ni kuya Dex.

"Eh ikaw? Daig mo ang patay gutom sa bilis mo ngumuya. Akala mo mauubusan!" inismiran lang siya ni kuya Dex.

"Tara. Hatid ka na namin kila mang Juan. May susi ka ba ng bahay nila?" tanong ni kuya Dex. Umalis kasi si mang Juan at si aling Pasing kanina. May aasikasuhin daw.

Umiling ako. "Hindi naman ako sa kanila nakatira." sabi ko.

"Huh? Akala ko ba apo ka?" tanong ni kuya Calyx.

"Tanga. Malang hindi totoo yon. Wala namang anak si mang Juan at aling Pasing. Pano magkaka-apo? Magic, ganon?" turan ni kuya Dex sabay batok kay kuya Calyx. Kahit kelan talaga. Napangiti tuloy ako sa kalokohan nila.

"Aray ha! Dexon Villamor! Nakakarami kana, bubugbugin na kita!" sabay amba ng suntok nito ka kuya Dex. Syempre di papatalo si kuya Dex kaya nag-ambahan sila na nauwi sa ismiran.

"Di ba Bon? Di ka talaga apo ni mang Juan?" tanong nito sakin. Kala ko nakalimutan na nila ako eh.

"Hmm!" tanging tugon ko.

"Eh san ka nakatira?" tanong ni kuya Calyx.

"Sa habay!" mabilis na sagot ko. Kaya natigilan sila sa paglalakad. Huminto naman ako at nilingon sila. Ang sama ng tingin ni kuya Calyx sakin habang si kuya Dex naman nagpipigil ng tawa.

Napabungisngis ako. "Bakit tama naman ah? Sa bahay. " sabi ko.

"Oo nga pre. Tama naman siya! Buahahahaha!" halos sumakit na ang tiyan ni kuya Dex sa kakatawa. Naluluha na nga eh.

"Ikaw ha?! May itinatago kang kapilosopohan!" sabi ni kuya Calyx na naka ngiti na.

Natawa ako ng mahina. "Sa purok Tres ako nakatira." sabi ko.

"Talaga? Wag mong sabihing mangungupa ka rin ni mang Juan?" gulat na tanong ni kuya Calyx. Di ako kumibo.

"Oy ano na?" kinulbit nya ko.

"Sabi mo wag kong sabihin!" sabi ko. Pana facepalm naman sila ni kuya Dex.

"Alam mo para kang si Ron!" sabi nya. "Tara na nga. Baka magkapit bahay tayo!" sabi nila. Kinawit nila akong dalawa sa magkabilang braso at isinakay sa motor.

"Motor ko to." sabi ni kuya Dex habang pinapaandar ang motor nya. "Taga purok Tres rin kami ni Calyx. Baka ikaw yung nabanggit ni mang Juan na bagong kapit bahay." sabi nya.

Sumakay na si kuya Calyx sa gitna namin ni kuya Dex. Ramdam ko na nangilag silang pagitnaan ako. Bukod kasi sa bagong magkakilala palang kami, babae pa ako. Kaya iniisip nila na baka ma-awkward ako pag pinagitnaan nila ako. Napangiti ako. Mula pa ng makilala ko sila kanina, ang gaan na ng loob ko sa kanila. Kahit kay mang Juan.

Kung sana may pamilya ako at mga kaibigan. Magiging mas makabuluhan kaya ang buhay ko at mababawasan kaya ang pagiging boredom?

Naging ligtas naman ang byahe namin. Magkasama pala silang dalawa sa bahay pati yung kapatid ni kuya Dex na tomboy daw. At magkatabi lang bahay namin.

"Pasok ka na Bon." sabi ni kuya Dex. Nasa tapat kami ng pintuan ng bahay ko. Tumango lang ako at pipihitin na sana ang doorknob ng bigla itong tumba. Napangiwi tuloy ako at yung dalawa nagulat. Sira nga pala tong pinto.

Sa huli ay napilitan akong makituloy muna kila kuya Dex. Delikado daw kasi lalo na't mag-isa lang ako. Sa una ay tumanggi ako pero mapilit sila. Pati yung kapatid na tomboy ni kuya Dex naki pilit na rin. Walang hiyang buhay!





Vote, comment and share :>

SECRET MAFIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon