CHAPTER 07

180K 4.2K 928
                                    

"Buti pinayagan ka ni Gov na sumama sa outing natin?"
Tanong ng katrabaho kong si Sheryl, we're now in Cebu for our company outing. Kanina kaming umaga bumyahe papunta dito at ngayon nga ay nandito na kami sa isang beach resort. Bakasyon Grande is real!


"Oo naman, medyo nagkapilitan lang kaming dalawa." Natatawa kong sagot, ayaw talaga ako pasamahin ni Eros sa company outing namin ngayon lalo pa at sinabi ko na ako lang mag-isa at walang bodyguard na pasasamahin. My husband is worried about my safety at naiintindihan ko iyon, pero ipinaliwanag ko sa kanya na kaya ko naman ang sarili ko at wala siyang dapat ipag-alala. Tatlong araw kase kaming mananatili dito sa beach resort sa Cebu, halos tatlumpu kaming empleyado na bumyahe papunta dito. Kasama na din ang ibang abogado. May big time kase na nahawakang kaso ang law firm na pinapasukan ko at naipanalo ng mga abogado sa opisina kaya bilang treat ng may-ari ng kompanya ay pinag-outing niya nga kami.



"So kamusta naman kayo ni Gov? Kelan lang kayo kinasal diba? Daks ba siya? Mag kwento ka naman dali!"




Muntik ng mabulunan ng iniinom na milk tea si Sienna sa tanong ng kasamahan niya sa trabaho. Alam niya ang ibig sabihin ng daks, Sheryl asked her if Eros have a big manhood! Ano bang isasagot nya? Hanggang ngayon wala pa naman nangyayari sa kanilang dalawa. Hanggang halik lang naman ang ginagawa nila. Kaya nga bilib din sya sa pagpipigil ng asawa sa kanya hanggang ngayon. Kaya tuloy kung minsan napapaisip sya kung hindi ba siya kaakit-akit sa paningin ni Eros. "Sheryl!" Saway ko sa kaibigan/ katrabaho ko. Nandito kami ngayon sa loob ng hotel room namin at siya ang kasama ko dito. Mag-aayos dapat kami ng mga dala naming gamit pero nagpahinga muna kami.




"What? Dali na. Magkwento ka na. Daks nga si Gov? Aba Sienna ang daming nagkakagusto diyan sa asawa mo ha. Kahit ba may pagka-masungit ang dating ni Gov mukhang yummy naman. Kaya ang suwerte suwerte mo sa kanya!"



Parang naeeskandalo si Sienna sa pinagsasabi ni Sheryl. Oo alam niyang madaming nagkakagusto sa asawa niya pero malas na lang nila dahil siya ang pinakasalan nito.





"Tumigil ka nga dyan." Saway ko sa kanya, pero mukhang hindi ako nito titigilan kaka tanong. Bakit ba kase ito pa ang makakasama ko sa kuwarto, eh ubod pa naman ito ng daldal.



"Nakita ko sa isang magazine na feature si Gov doon. Juskoooo... ang eight packs abs nagmumura! Ang sarap pisil-pisilin tapos may v-line pa! Parang hindi siya mukhang thirty five years old." Sabi pa ni Shiryl na parang kinikilig. Dapat ba siyang magalit dito dahil mukhang pinagnanasahan nito ang asawa niya? Ni hindi niya pa nga nahahawakan ang sinasabi nitong abs eh!





"Ewan ko sayo. Ayusin na natin ang mga gamit natin para makababa na tayo sayang ang panahon maganda mag-swimming." Tumayo na ako para mag-ayos ng gamit, gusto ko na kanina pa pumunta sa dagat. Langoy na langoy na talaga ako.




"Sige na nga, basta magkwento ka mamya ha Sienna." Sabi pa ni Sheryl at tumayo na din para kunin ang maliit na maleta para makapag-ayos na ng gamit. Hindi talaga ako komportable makipag-usap ng ganoon kahit kanino. Mula kase grade school hanggang college sa All girls school ako nag-aral kaya siguro napakahirap kong makisabay sa mga ganitong usapan tungkol sa sex. Hindi din naman ako pala alis ng bahay namin at mas gugustuhin kong magbasa na lang ng libro. At tsaka parang hindi tama kung ikwekwento ko sa iba ang tungkol sa aming mag-asawa dahil hindi lang isang simpleng tao si Eros may pangalan din itong iniingatan.


Samantala, Eros feel pissed after seeing on his social media account his wife picture on a tagged post. It was in Facebook. Sienna is wearing a revealing color yellow two piece! Nasa tabing dagat ang kuha sa larawan kasama ang mga katrabaho nito. Ayaw pa man din niyang pinag pyepyestahan ang katawan ng asawa kesehodang nasa beach resort pa ito, tulad ngayon siguradong nandoon din ang mga abogadong nagtatrabaho sa law firm. Tiyak na tingin ang mga ito ng tingin sa katawan ng kanyang asawa. Kung bakit ba kase pinayagan niya itong mag-isa umalis? Hindi tuloy siya mapakali ngayon.


The Governor (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon