Chapter 20

19K 1K 232
                                    

Louella

"Ang pangit ng girl toy mo, Pooper bear!"

Blangkong ekspresyon lang yung binigay ko kay Alliston nang mula sa pwesto nito ay dire-diretso itong pumasok sa private office ko.

I am still checking myself in the mirror. May pupuntahan kasi akong social gathering. Actually, Ako, si Aria, at Grant. So yeah, I am wearing one of my cocktail suits. It's just a dinner with our business partners anyway. Inaantay ko na lang yung dalawa dahil ang sabi nila isang car na lang ang dalahin namin para sabay sabay na kaming uuwi mamaya.

Siguro maglalasing iyon si Grant kaya ayaw magdala ng sasakyan. Ako na naman driver nilang dalawa ni Aria.

"She's not even an eye catcher to begin with." Dagdag pa ni Alliston na ikinalingon ko dito.

"Who?"

"You weren't listening. Yung girl toy mong pangit nga."

"Girltoy ko?"

"Oo." Sumimangot pa si Alli na lumapit sakin. Inayos nito yung lapat ng suot ko sa balikat ko. "Ganun yung type mo? Wala ka palang taste." Pati yung ilang hibla ng buhok ko na tumabing sa pisngi ko ay hinawi nito.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mapipikon dito. But part of me is still into finding this side of her funny.

Well, sanay na ko kasi bata pa lang ito at si Aria ay pasimpleng laitera na talaga ito. So if she finds you pretty and charming, you must really be that.

"You've checked her? How is she?" Kaswal na tanong ko pa dito. "You're so sweet to visit her, Alli bear. So nice of you. Kelan ka pa bumait ng ganyan?"

I watched at how Alli's cheeks turned into crimson.

"Hoy, tiningnan ko lang yung itsura nya. Wag kang feeling."

Nangingiting ginulo ko yung buhok nya. She's really so cute. Parang si Aria lang pag may hinihingi sakin at hindi ko maibigay.

"You're prettier than her. Happy?"

Nagulat pa ako nang imbes na tumango ay hinampas nya ko ng malakas sa braso.

"Mas maganda talaga ako doon! Don't you dare start comparing me to that bitch. Ang pangit nya no. Please lang."

"She's pretty, Alli. You can't change that fact. Not because no one can stand at par at you being so pretty doesn't mean na pangit na lahat. Ang lakas mo manglait. You're too full of yourself. Aren't you constipated yet? I think you've bubbled yourself too much."

Nagsalubong yung mga kilay nito. Weird na kahit galit na nga ito o naiinis, ang bait pa din ng itsura nito. Totally in contrast of her slightly squinting eyes.

"Excuse me, I am just stating facts. She looks like a ragdoll kung itatabi mo sakin. And please, I am not insulting her. I am just decribing her."

Natatawang tinapik ko yung pisngi nya pagkatapos ay tumingin ulit sa salamin. I look fine I guess.

"Pooper kasi!" Nagdadabog na pumadyak pa si Alli nang hindi ko sya pansinin.

"What?"

"I am talking to you. You should talk to me too."

"I am basically talking to you now." I pointed out. "I thought you'll be taking the day off. Bakit dumiretso ka pa dito? You could have went home directly and take a good rest."

"Ikaw yung may sakit di ba? Ihahatid kita pauwi."

"You should have called me kanina bago ka pumunta dito. Hindi pa kasi ako uuwi. May lakad pa ako after office hours. Inaantay ko lang si Aria at Grant." Naglakad ako papunta sa table ko para iprepare na yung gamit ko.

Taming AllistonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon